Chapterbels 56: Pimple Attack

7.1K 119 40
                                    

Chapterbels 56: Pimple Attack

Amber’s POV

Kinabukasan, pumasok ako sa school na lutang. Hindi ako nakatulog kasi yung baklang dinosaur na ‘yun paulit-ulit sa utak ko. Aish. Lalo ko pa tuloy ginulo yung buhok ko habang muntangang naglalakad sa hallway.

“Whoa. Amber? Anyare? Naubusan ka ba ng shampoo?!” grabeng sincere ng pag-aalala ni Peyton dun. Sarap sampigahin. “Dapat sinabi mo, para na-share ko yung shampoo ko. Yung HANA Shampoo. Ito ang natural beauty. Parang mukha ko, pwede ko din i-share sa’yo—acck!” nabatukan tuloy siya ni Macy ng wala sa oras.

“Manahimik ka nga. Wala namang sense mga sinasabi mo.” Umirap siya kay Pey tsaka naglakad saken at sinuklay niya yung buhok ko pa-side. “Aish. Kahit kelan talaga hindi ka naging maayos sa buhok.” Napangiti ako habang inaayos ni Macy yung buhok ko. >////<

“Tumabi ka nga.” Pagtulak ni Peyton kay Macy. Agad namang pumalit si Peyton sa pwesto niya at siya yung nagsuklay ng buhok ko gamit din ang kamay niya. “Aigoo. Ang baby Amber ko talaga!” natatawa nalang ako sa kanilang dalawa.

Nakita ko namang lumapit si Dave sa amin. “Kasabay mo si Trex, Amber?” he asked.

Umiling ako. “Nope. I don’t know kung papasok siya. He was drunk last night.” I informed them.

“Omo!!! Paano mo nalaman na lasing si Trex?!” sabay na tanong nung dalawa.

“I was waiting for him last night sa bahay nila. He went home drunk and—“

“OMG. AMBREX BABIES!!!” masayang nagsilundag ang dalawa habang magkahawak ang kamay.

“Ha? Ano daw?” napakunot ang noo ko dahil di ko magets yung sinabi nila Macy at Peyton tsaka humarap kay Dave. “What are they saying?” I asked him.

He shrugged. “Don’t mind them.” Tsaka hinila si Macy sa tabi niya. Agad natahimik ang dalawa. “Mauna na kami ni Macy. Tatawagan ko nalang siguro si Trex kung papasok siya. Sige Amber.” Saka sila naglakad habang halata sa mukha ni Macy na parang ayaw niya pang sumama.

“You two are always acting weird. May hindi ba ako nalalaman?” harap ko kay Peyton.

Ngumiti siya saken at kinurot yung ilong ko. “Oo. Madami kang hindi nalalaman. Hindi mo alam na pinasaya mo kami ni Macy dahil sa ginawa mo.” She said all giddy.

“Ha? Ano bang ginawa ko?”

“Ah basta. Ipagpatuloy mo ‘yan. Good girl.” She pats my head like a dog. Tsaka kami naglakad papunta sa class. May Anthro nga pala kami ngayon. Napatingin ako sa upuan ni Eren at wala ito.

“Papasok kaya si Eren?” tanong ko sa sarili ko.

Still A GirlWhere stories live. Discover now