Chapterbels 61: The Newest Item

6.5K 111 78
                                    

Chapterbels 61: The Newest Item

Arisa's POV

Nagising ako na tahimik na naman ang buong bahay. Grabe. Invisible ba ang mga maids dito? Tsk. Buti nalang wala akong pasok ngayon. Gagawa nalang ako ng plates maghapon.

Dumiretcho ako sa kusina at naabutan ko doon si Luna na nakain ng breakfast. May isang maid na stand by. WOW HA. MAY FAVORITISIM BA DITO???!

"Hoy. Bakit ikaw may naghain sayo ng breakfast? Kahapon walang naghain saken!" reklamo ko.

"Malay ko. Pagbaba ko may nakahain na eh." inubos niya yung gatas niya bago siya tumayo. "Oo nga pala. Sabi ni Kuya Trex kagabi siya na daw ang bahala sa kotse mo. Wag ka na munang lumabas ngayon Ate." she added.

"Oo na. Umalis ka na. Daldal mo eh." umirap ako at umupo. Si Luna naman umalis na. Tss. Kung magbilin siya lagi parang ako yung bunso. Whatevuuur.

Kakain na sana ako pero nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang nakahain. "Omg. Bacon, eggs at hotdog? Alam niyo ba kung ilang fattening oil at harmful toxins ang meron sa processed foods??! Omg." pagwawala ko.

Nagkibit balikat lang yung maid at umalis nalang. Like duh? You'll never make me eat that! NEVER. Never ev--

Natigilan ako ng pumasok si Trex sa dining area ng walang suot na pantaas at basa pa yung buhok. Naka-rugged pants lang siya at nakapandong sa silver blonde niyang buhok ang puting tuwalya.

ETO ANG TOTOONG BREAKFAST!

Ay shet. Joke! *mental slap*

Napapikit ako at kulang nalang sampalin ko talaga ng for real ang sarili ko dahil sa mga naiisip ko. Leche. Kelan pa ako nagpantasya sa kanya? Hello duh. Ano ngayon kung makinis siya, responsible at medyo may muscles? Wala naman eh. Magaling kaya siyang humalik?!-- ay puchang!

"Hoy. Wala ka bang pasok?" napatingin ako agad sa kanya nung magsalita siya. Nakataas yung kilay niya at nag aantay ng sagot.

"H-Ha? Ano? A-Ah oo."

"Ah." dumiretcho siya sa fridge at kumuha ng gatas mula sa milk carton at-- omg-- umupo siya sa dining table sa harap ko. T^T

Bigla akong naconcious. Maayos ba ang buhok ko? May panis na laway ba ako? Ay hayup. Pwede ba Arisa? Stop worrying. Sino ba siya? You're Arisa Yagi for crying out loud.

"Ah ikaw? M-May klase ka?" oh please Arisa are you really stammering?

"Meron pero mamaya pa. May practice lang ako ngayon." kumuha siya ng sandamakmak na kanin at kumain na parang patay gutom.

Still A GirlKde žijí příběhy. Začni objevovat