Chapterbels 63: Semis Cheerleader

6.5K 122 52
                                    

Chapterbels 63: Semis Cheerleader

Trex's POV

Maaga akong gumising para magjogging at makapagtraining. Kagabi hindi ako nakapagpractice dahil sa kakaisip kay Amber.

Inaayos ko yung hoodie ko ng mapadaan ako sa guest room. Nakabukas iyon kaya sinilip ko. Kwarto ni Arisa ang guest room na iyon at naabutan kong bukas ang TV at sobrang kalat sa loob.

Tss. Her room is close to being a dumpsite. Babae ba talaga siya? Mas maayos pa ang kwarto ko eh.

Nakayupyop siya sa table na maraming nakalatag na papel at pens. I pulled out one plate na ginagawa niya. Merong talent si Arisa sa totoo lang. Maganda yung mga designs niya and I wouldn't be surprised kung magiging sikat siyang designer someday.

Kumuha ako ng comforter at nilagay iyon sa likod niya. I turned off the TV at sinarado ang pinto niya.

"Hi Kuya Trex." napahawak ako sa dibdib ko ng makita ko si Luna sa tabi ko. "Magjojogging ka? Can I come with you?!" she asked.

"S-Sure. Damn. You scared me." napailing nalang ako.

Inabutan ko si Luna ng sports drink habang nakaupo siya sa gutter. Kakatapos lang naming umikot at magjogging.

"Thanks Kuya Trex." binuksan niya iyon at uminom. Tinabihan ko siya at uminom din. "Nga pala, bat nasa loob ka ng kwarto ni Ate Arisa-chan?" she asked.

I almost choked ng tanungin niya iyon. "B-Bwo? Ah eh-- napadaan lang ako kasi nakita kong bukas yung kwarto niya." I explained.

"Ah. Alam mo kasi mabilis mainlove ang babaeng yun lalo na kung magiging dependent siya sayo. Naalala ko tuloy sayo si Dongwoon." sabi niya.

"Huh? Sino yun?"

"Ex yun ni Ate. Childhood friend namin siya. Ang alam ko nagsimula yung relationship nila nung lokohin si Arisa nung nakarelasyon niya. Tinulungan ni Dongwoon na pagselosin yung nanloko kay Ate Arisa pero in the end sila din ang nainlove sa isa't isa."

"Then what happened?"

"Recently, lumalala yung mga haters ni Ate Arisa na pati ako sinabihan niya na lumayo sa kanya. Siguro dahil nahihirapan na si Dongwoon sa sitwasyon kaya nakipag-break siya. Pero kahit si Ate nagtataka kung bakit ang sabi ni Dongwoon ay si Ate ang nakipagbreak sa kanya."

So ganun pala ang nangyari.

"You should look out for her often. Her haters are scary if you ask me." sabi ko kay Luna.

"Yeah. And thank you dahil kahit spoiled brat ang Ate Arisa ko, pinoprotektahan mo pa rin siya. Parehas kayo ni Tito Tristan. Mom and Ate both find security with the both of you."

"Really?"

"Hindi mo ba magugustuhan ang Ate ko?" natawa siya sa sarili niyang tanong. "She always stalks your social media accounts pati fan page. Kung hindi mo napapansin, Ate likes you very much." she said.

"Hindi mo na kailangang sabihin. Halatang halata naman."

Natawa ito at uminom ulit. "Kung hindi mo man siya magustuhan, I'm still happy dahil at least nadidivert ang attention niya sayo kesa sa break up nila ni Dongwoon."

Napaisip tuloy ako kung talagang mali ang pagkakakilala ko kay Arisa sa simula palang. Maybe she's just a girl who needs someone to turn to.

Nakauwi kami ng bahay and checked my phone. Ang daming missed calls ni Amber. Ay shet. Miss na niya ako agad. Eneber. XD

{"Hoy. Kanina pa ako natawag ulupong kang hayup ka!"} bungad niya agad ng tawagan ko siya.

"Sorry. Nagjogging ako. May kailangan ka?"

Still A GirlWhere stories live. Discover now