Chapterbels 50: A Different Amber

8.4K 122 43
                                    

Chapterbels 50: A Different Amber

Trex’s POV

Pinapanuod ko sila Amber, Macy at Peyton habang paikot-ikot sa sala namin. Napapapikit ako sa ingay ng sigawan nila, ang sakit sa tenga. Nakahalukipkip lang ako sa tabi at nagtitimpi ng galit dahil sa sobrang kaingayan nilang tatlo.

“YAH! AYOKO NA SABI EH!” Amber pleaded.

“LECHE NAMAN AMBER EH! TIIS GANDA NGA EH! TIISIN MO! MALANDI KA EH!” tsaka hinabol ulit ni Peyton si Amber habang hawak yung pambunot ng kilay.

“MGA PAKYU! ANG SAKIT KAYA! LUMAYO NGA KAYO SAKEN!” tumayo pa sa sofa si Amber habang suot ang sapatos niya at tsaka binato ng unan yung dalawa. Humarap siya saken at nagmakaawa. “Pucha Trex naman eh! Tulungan mo nga ako!!!” tinignan ko lang siya at umirap.

I turned around para makalayo sa ingay nilang tatlo at nagpasyang pumunta sa dining area. Naririnig ko pa yung sigawan nila pero hindi na gaano. Napatingin ako sa isang invitation na nakalagay sa lamesa.

You are invited to the Wu Chain of Hotels Inauguration Ceremony
Clockwerk Tower 9pm

RSVP

I tossed the invitation and decided to make some coffee. Umagang-umaga yung tatlong yun, dumiretcho dito para ipakita yan saken. Sabi ni Amber, yan daw ang perfect na oras para ipakita niya sa Mama ni Kris na babaeng babae na siya.

Uminom ako ng kape at napaisip. Hindi lang naman ang pagiging boyish ni Amber ang problema eh. Ang problema dito ay nagmahal siya ng isang Wu. I did not expect na ganito ang magiging implications ng mga nangyari. Tengene kasi yung Babang yun eh. May fiancé na, nanligaw pa ang pota. =_=

“YIKES! TREX!” Amber storms in the dining area at diretcho yakap saken. Nanigas tuloy ako habang hawak ko yung tasa na may kape. “TREX SAVE ME! TREX! TREX! AYOKO NA HUHUHU!!!” ang higpit ng yakap niya saken, halos magwala yung puso ko sa kaba. TAPOS PUTANGINA NAGKAKAPE PA AKO.

Nakita kong tumigil si Macy at Peyton at parehong napahawak sa pisngi. “Awwww. Look our ship is sailing on its own. Awwww.” Sabay nilang sabi. Animo’y may mga butterflies sa paligid nila at may mga nalabas na puso puso. PUSO LETCHE. =_=

“Will you get the f uck off Amber?!” inis kong sabi, trying to hide my red and anxious face.

“Ayoko nga! Sabihan mo muna sila na ahitin nalang nila yung kilay ko! Ayoko ng bunot! AYOKO TALAGA! PUTANGINA ISINUSUMPA KO YANG PAMBUNOT NA YAN!” tsaka niya ako ulit niyakap.

“Awwwwwww~” narinig ko ulit sabi nila Macy at Peyton. Feeling ko nga naririnig ko din ang mga pesteng Ambrex na nagbabasa ngayon na nagsisi- ‘AWWWWW’ din tulad nila Macy at Peyton. PUCHA. PUCHA TALAGA. *flips readers*

Still A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon