Chapterbels 29: Shunga-ers

9.5K 126 17
                                    

Chapterbels 29: Shunga-ers

Amber’s POV

Halos hindi ko magalaw yung katawan ko sa sobrang busog. Masarap pala ‘pag may nanliligaw sayo? Laging libre? HAHAHAHA. De joke.

“Thanks Kris. Sogbu na naman ako!” ngisi ko sa kanya habang hawak yung tiyan ko.


“Anything for you, Amber.” Tsaka din siya ngumisi. “Now, you stay there, mamaya ka na mag-skate. Masama yun.” He instructed me.

“But promise me, pupunta tayo ng skate park ah?!”

He chuckled and reached for my hair. “Yes we will.” Tsaka niya ito ginulo. Aish. =_=

After kong magpatunaw ng kinain, dumiretcho kami sa skate park malapit sa restaurant na pinagkainan namin. Sinundo ako ni Kris kanina after ng class ko tsaka kami dumiretcho sa isa pa nilang restaurant. Ang daya nga eh, lagi nalang sa mga restaurant na sila ang may-ari kami napunta. Puro tuloy Chinese cuisines. Heh. Pero okay na din, unlimited naman!

“Now don’t frolic around, uuwi na din tayo mamaya dahil hindi ka pwedeng gabihin.” Sabi niya habang nilalagay yung helmet ko.

“Okay, okay fine.” Walang gana kong sagot, gawin daw ba akong bata? Tss.

Habang nag-ii-skate ako napaisip tuloy ako dun sa nangyari kaninang lunch. First time ko ulit makita si Trex na may kasamang ibang babae maliban saken at kay Peyton. Ang alam ko kasi naiirita yun lalo na sa mga fan girls niya. Himala at nag-entertain siya ng isang fan girl.

Napangiti tuloy ako, mukhang mas open na ngayon si Trex sa mga fan girls niya. It’s a good sign, mababawasan ang pagka-masungit niya.

Pero iba na ang turing niya sayo.

Natigilan ako sa pag-skate at napailing sa biglang nagsalita sa isip ko. Argh, bat bigla nalang nagsasalita ang hinayupak na isip ko ng pabigla-bigla. Aishhhhh. *gulo buhok*

“Amber! Why’d you stop? And why are you acting all stupid again?” nakasimangot na sabi ni Kris saken habang nakatingin sa gulo-gulo kong buhok.

“Anong stupid ka dyan?” inirapan ko siya at binagsak yung penny board ko.

Humarap siya saken and gently tucked the strands of hair that’s covering my face behind my ears. Ngumiti siya at kinurot ang ilong ko.

“You’re cute when your hair is messy Amber, pero I like it better when maayos siya.” He held my hand at inalalayan ako ulit mag-penny board. Okay, ang dami ko kasing iniisip, buti nalang napapangiti ako ni Captain Gilagerds ngayon. HAHAHAHA. :”>

 ***

Still A GirlWhere stories live. Discover now