Chapterbels 46: Hidden Agendas

8.6K 122 65
                                    

 Chapterbels 46: Hidden Agendas

Amber’s POV

Nakangiti lang akong nanunuod habang magkakasama sa clinic sila Peyton, Henry at Macy. Nag-aaway sila kung sino ang pinaka-panget. Bigla nalang silang dumating dito. Si Peyton, niyakap agad ako at pabulong na nag-sorry. May dalang mga pagkain si Henry at maya-maya lang dumating si Macy at nakipag-away kay Peyton.

“Excuse me Macy, ang mukha mo pang pre-historic. Matagal na kasing extinct.” Banat ni Peyton.

“At least yung kagandahan ko nailathala sa mga history books, eh yung sa’yo? UNDISCOVERED.” Sagot naman ni Macy.

Kulang nalang maglagay si Henry ng karatula na may nakasulat na ‘BOOM PANES’ eh. Lalakas manlait sa kapwa nila. Parehas naman silang maganda. Tss.

“Tumahimik na nga kayong dalawa.” Saway ko.

“Amber!!!” saka lumapit saken si Peyton at yumakap. “Undiscovered daw yung beauty ko! Duh, ang beauty na to ang hinahabol-habol ni Kai noh!” sabi ni Peyton tsaka bumelat.

Natawa nalang si Macy. “Hah. Please, don’t make me laugh, parehas kayo ng Kai na iyon na UNDISCOVERED. Si Kai kasi hindi makita palaging nasa dilim.” Tsaka hindi napigilang humagalpak sa tawa ni Henry. Aaminin ko totoo yun, black pearl talaga ng Griffin si Kai. XD

“Grabe! Akala mo ang perfect ni Dave! Tignan mo nga yung buhok niya, daig ka pa sa sobrang kulot! Saan salon ba siya nagpapakulot?” kasunod din nun ang wala ng tunog na tawa ni Henry. Tanging pag hampas nalang ng kamay niya sa table ang maririnig.

“Awat na nga, pati mga jowa niyo sinasali niyo na! Personalan na ‘yan eh!” sabi ko.

Sabay pa silang umirap sa isa’t isa. Napaupo nalang si Macy sa sofa katabi si Henry. Pinupunasan naman ni Henry yung mata niya sa sobrang tuwa, naiyak na.

Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Para bang biglang naging maayos ang lahat. Magkasama ang dalawa kong best friend sa isang kwarto at kahit naglalaitan sila, parang wala ng walls. Wala ng pader na nakaharang. Ayoko namang magtanong baka lalo lang maging magulo. Baka maging awkward. Ah basta, ang alam ko, sobrang saya ko ngayon.

“Amber, you look happy! Anong nginingiti-ngiti mo dyan?” tanong ni Peyton saken, tumabi siya sa kama ko.

I shook my head at ngumisi. “Wala. I’m just glad you’re here.” Tsaka ko niyakap si Peyton.

“Omg. Ang sweet mo naman Amber! Huehuebells. Payakap nga!” T____T

Natigil si Peyton sa pag-iyak ng bumukas ang pinto ng infirmary at pumasok si Trex. “Amber!” tsaka siya nagmadaling pumasok. “Are you alright? Sabi ko naman sayo ‘wag ka ng pumasok at magpahinga ka na hindi ba?” sabi nito habang hawak ang pisngi ko.

Still A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon