Chapterbels 18: Cold

12.1K 175 32
                                    

Chapterbels 18: Cold

Amber's POV

"Amber..."

"M-Macy?!"

Napanganga ako sa nakita ko. Si Macy? Nasa kwarto ko? DAFUQ. DafackingFACK.

"T-Teka!!! What are you doing here?" nanginginig ko pa siyang tinuro. Para kasi siyang multo.

"Kanina pa ako nandito. Sabi kasi nung maid, dito na daw kita antayin. Nagpupumilit sila kasi daw baka magalit ka sa kanila kung hindi nila ako papasukin." walang gana nitong sagot at may pakonting pag-irap pa.

"Ahhhh." nagkamot ako ng ulo. "Bat ka nandito?" nakarecover na ako at dumiretcho sa higaan ko.

"Hihiram ng notes. Wala akong ibang kakilala sa Philo ikaw lang." sabi nito sabay nag-pout.

Hay Macy, kung alam mo lang kung gaano kita namiss. "Philo lang ba? Sa ibang subjects ba may notes ka na? Ha?" tanong ko sa kanya habang hinahanap yung notes ko sa Philo.

"Oo." tipid nitong sagot.


"Eto. Naka-indicate sa taas yung year, meaning, important dates at legends ng notes ko. Alam mo naman na yung—"

"Yeah, yeah. Alam ko nay an. Sige. Ibabalik ko din sayo bukas. Salamat dito ah." tsaka ito dire-diretchong lumabas ng kwarto ko. Sinundan ko din siya hanggang sa makalabas ito ng bahay namin.

"Yah. Macy!" sigaw ko dito kasi nagchi-tsinelas pa ako eh nasa gate na siya. Tumigil siya pero agad ding naglakad at akmang bubuksan na ang gate. "Wait for me!!!" sigaw ko ulit.

"Ugh I can do things on my own now Amboy." inis nitong sabi ng makahabol ako.

"Macy? You know I don't believe you. Stop being stubborn." tsaka ko siya pinagbuksan ng malaki naming gate. Padabog itong naglakad hanggang sa kotse niya. "Hey. May driver ka ba?" silip ko sa kotse nito.

"Wala. I can drive so why do I need one?" mataray nitong sagot. Grabe lakas maka-PMS pero yung suot parang magse-skate session lang sa may Mendiola. =_=

"Aish. Ang suplada mo ah. I'm just asking you."

"Tss. I'm fine. Sige na go inside. Shoo." tsaka siya pumasok sa kotse at pinaharurot yung sasakyan niya. Haaaay. Akala ko for once magkakabati na kami. Mukhang stubborn pa din siya hanggang ngayon.

*vrooooom*

E-Eh? Sino yung kotse na yun? Tss. Anyways. Makapagreview na nga ng makatulog ng maaga. Malapit na ang finals namin at kailangan ko na naman lakas para mangopya—este magreview pala.

***

Pagdating ko ng school, lahat sila nerd mowd. Kabi-kabilang notes at handouts ang nagpapasahan sa may hallways. Konting push pa sembreak naaaa. Nako, di ko alam kung saan ba kami magbabakasyon pero oh yeah shet—

*BOOOOGSH*

Agad akong napatigil sa pag de-daydream at tinulungan ko yung nabangga ko. "V-Vinchie!" nabigla ako na siya pala toh. May suot kasi siyang salamin.


"Ah, Amber. Okay lang." pulot din nito sa mga libro niya.

"Grabe, nagta-transform ka na nerd ah!" napangiti ako ng sinabi ko yun. Nakakatuwa siya, nag-aaral siyang mabuti. Napaka-responsible niya talaga, di tulad ng iba niyang kateam.

"Hindi naman!" napakamot pa siya sa batok. "Salamat Amber." saka siya naglakad palayo. Infairness ah, bagay sa kanya yung nakasalamin.

"AHHHHHHHHH!!!" tilian ang mga babae ng makarating ako sa second floor. "JOFFERRRR!!!" tilian na naman. Kasunod ko pala sa pag-akyat si Joffer. Mukhang bagong gising at gulo-gulo pa ang buhok.

Still A GirlDove le storie prendono vita. Scoprilo ora