Chapterbels 25: Helmet

11.6K 140 19
                                    

Chapterbels 25: Helmet

Trex’s POV

I lay flat as soon as I entered my room. Ramdam ko ang footsteps ni Cleo papunta sa kwarto ko. I reached for my pillow at ginamit iyon na pantakip sa ulo ko.

“KUYA!!! DID I JUST TALK TO KRIS WU? AS IN? EMERGERRRD!!!” sigaw nito sabay patalong umupo sa kama. “Crush ko si Joffer pero shet—I’d trade my boobs just for him to have a date with me!!!” she said.

Agad kong tinanggal ang unan sa ulo ko at diring-diri akong tumingin sa kanya. “Cleo, wala ka namang boobs, anong TRADE ka dyan? Mahiya ka naman uy!” sabay haggis ko sa mukha niya nung unan.

Nagpout siya agad. “AYHEYTCHU.” =3=

“Matulog ka na nga.” Bumalik ako sa una kong pwesto.

“Why was he here kanina? Nag-away na naman ba kayo?”

“No.”

“Then what?”

“It’s none of your business Cleo. Get out of my room.” I said.

“Dali naaaa!” sabay yugyog niya sa katawan ko. “Is it something about Amber? Ayieeee.” Dagdag nito. “I’m sure pati ikaw liligawan nun dahil bff mo si Amber. Grabe ang haba ng hair talaga niya. Babae at lalaki nagkakandarapa sa kanya.” Tsaka ito humiga sa kama ko.

Tumayo ako tumingin sa kanya. “Pwede ba? I don’t want to hear any of your girly craps. Go away.” Inis kong sabi habang nakatingin sa kanya na nakahiga sa kama ko.

“Tell me? Is it Amber? Siya ba ang—“

Hinila ko ang braso niya at kinaladkad siya palabas. “You go to sleep and shut up.” I said before I close the door.

“SUNGIT MO! BAKLA!” narinig ko pang sumigaw si Cleo bago ko isara ang ilaw. Hmp.

Nakatingin lang ako sa kisame, sobrang pagod ng katawan ko sa practice, pero I can’t sleep. Iniisip ko kasi si Amber, paano pag nag date na sila ni Kris? Alam ko posibleng magkagusto si Amber sa hilaw na yun—pero hindi ko mahanap yung tamang timing para sabihin sa kanya na ‘wag na siyang magpaligaw.

Sino ba kasi ako para pagbawalan siya? The guy is clear with his intentions. I know that quite well dahil kahit ako, ganun din ang nararamdaman ko. Ang pinagkaiba lang namin, vocal siya with his feelings samantalang ako, hindi.

Aish—

*ringgggg*

Natigilan ako ng magkaroon ng ilaw sa may side table ko—phone ko yun. Teka? Sinong tatawag ng ganitong oras?! =_=

Still A GirlWhere stories live. Discover now