Chapterbels 55: Crush Talk

7.3K 156 67
                                    

Chapterbels 55: Crush Talk

Eren's POV

Halos mabangga ko lahat ng tao sa mall habang pinupunasan ko yung mga luha ko. Wala akong pake, di naman nila ako kilala eh. Ang gusto ko lang, makalayo kay Trex... makalayo sa katotohanan na alam na niya yung matagal ko ng tinatago sa kanya.

Hindi sa ganitong sitwasyon ko balak magtapat sayo Trex. Pinilit lang ako ng dalawang iyon na magsalita dahil napupuno na ako sa pang-iinis nila saken.

Kasalanan ko ba kung mahulog ako sayo ng sagad?

Hindi naman eh.

Ang daya. Bakit ako pa yung lumalabas na masama? I have all the right to fall in love with him. Single siya, mabait, gentleman, maalaga sa katawan, mabango... pero kahit kelan hindi ko tinignan ang estado ng buhay niya.

Napaka ipokrita ko naman kung di ko icoconsider na mayaman siya pero ni minsan ba inisip ni Trex na iconsider ang mala-dukha kong buhay na batayan niya sa pakikipagkaibigan saken? Hindi. Kaya nga mas lalo akong nahulog.

Yun nga lang, kahit gaano kaperfect ang qualities ni Trex, may laman na yung puso niya. At aaminin kong napakahirap mabago ng sitwasyon.

Na mahalin niya ako at kalimutan si Amber.

"Eren, saan ka galing? Buti nalang late si Sir." bati saken ni France. Classmate ko sa major ko.

"Ah lumabas kasi ako eh."

Sinundot niya yung tagiliran ko. "Uy nag lunch out na naman kayo ni Trex Isidro noh? Ikaw ha! Ayaw mo pa kasing aminin na kayo na eh. Nakita ko kayo kanina after nung first period na paalis." tignan mo tong isang toh. Napakachismosa.

"Kaibigan ko lang si Trex. Pektusan kita eh." natahimik na si France dahil dumating na si Sir.

Halos dalawang oras din ang klase. Hindi ako makapag-focus dahil paulit ulit na nagflashback yung nangyari kanina sa mall. Namumula ako dahil sa hiya.

Anong mukha ang ihaharap ko sa kanya? Aish.

"We have a long quiz next meeting. Chapter 2 hanggang 4. Study hard. Class dismissed." nagtayuan yung mga classmates ko at inayos ko yung gamit ko.

Nakaramdam na naman ako ng tumutusok sa tagiliran ko. Tsaka magkakasunod na hampas sa braso.

"Aray ko naman France! Punching bag ba 'ko?!!" inis kong bulyaw.

Nakita kong namimilipit sa kilig si France habang nakatingin sa labas. "Eh kasi naman Eren, may naghihintay sayo sa labas. Sarap mong lunurin sa kanal. Ang haba po ng hair mo!!!" tsaka siya tumawa.

Nanigas ako at hindi makatingin sa labas. Nagmadali akong magligpit ng gamit at iniwan si France doon. Nakatungo akong lumabas sa room at ramdam kong nakasunod si Trex sa likod. Halos sumabog yung ulo ko sa sobrang pula. Shet.

Still A GirlWhere stories live. Discover now