Chapterbels 32: SAG Valentines ♥

9.3K 116 27
                                    

Chapterbels 32: SAG Valentines ♥

Amber’s POV

Wow, Valentines. The most annoying month of the year. Ang dami kasing malalanding nilalang ang nagkalat sa school para lang sa punyemas na araw na ‘yan.

Realtalk. February is just a month. Okay?

Yung iba kung makapagdeclare ng Independece Day, nag-uumapaw sa kabitteran. Tss. Ilang Valentines na ba ang lumipas sa buhay ko? Eto oh. Buhay pa din ako. OA NIYO EH! =_=

“Amberrr!!!” paglingon ko, palapit si Henry at Peyton. “Mukhang nasusuka ka sa ka-sweetan ng lahat ngayon ah!” sabay hampas ni Peyton saken.

“Amber, kahit kelan talaga, ang bitter mo.”dagdag pa ni Henry.


“Bitter niyo mukha niyo.” Tumalikod ako at naglakad na papunta sa klase. Matatanaw mo sa football field ang nagkalat ng booths. At syempre Luther Varsity lagi ang hila-hila ng mga babae sa Jail Booth at Marriage Booth.

“Grabe, blockbuster na naman ang Luther Varsity. Ang aga-aga palang nakaka-isang daang kasal na sila sa marriage booth!” natatawang sabi ni Peyton habang nakatingin din.

“Teka? Asan si Henry?” nagulat ako ng mawala siya sa tabi ni Peyton.

Nagkibit balikat ito at tinuro yung field. “Ano pa? Eh di nahila na din sa Jail Booth. Medyo in demand din kasi yung best friend mo eh.” =_=

“Ah… tss. Sige, pupunta na ako sa class ko.”

May ibang prof talaga na KJ at may pasok pa din kahit kagulo na sa labas gawa ng iba-ibang booths. Parang yung World Lit naming prof ngayon. Singhal ng singhal yung mga lower year na kaklase namin dahil napilitang pumasok sa klase.

Pansin ko naman agad ang pulang paper bag na may mga heart sa tabi ng bag ni Macy.

“Psst. Macy!” pabulong kong tawag sa kanya.

Umirap siya saken sabay harap habang nakataas ang kilay. “What’s your problem, Libertad?” she said.

“Galing kay Dave yan nuh? Uyyyy.” Pinagalaw ko na parang uod yung pointing finger ko. Dedma lang siya at saka nagpatuloy sa pagsusulat. Sungit talaga nito eh.

“Hey Amber, ‘wag mo ng kulitan pa si Macy. Mamaya makita ka nung prof lagot ka.” Saway saken ni Trex.

“Ikaw Trex? May ka-date ka ba? Ayieeee.” Asar ko naman sa kanya. Bali-balita na kasi yung pagpunta ni Eren sa game nila noong isang linggo.

Still A GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang