Chapterbels 34: Who will win the Semis?

9K 111 22
                                    

A/N: Sorry kung medyo sabaw yung update ko ah, kasi talagang ‘di ko makuha yung tamang timing ng ‘pag update. Madalas ko kasi ginagamit yung pagsusulat na stress reliever ngayon kaya stressed din yung pagsusulat LOL. TBH, wala na akong plot na sinusunod. HAHAHAHA. As in kaya parang ang bagal ng pacing ng story. Pero ayan yung lumalabas sa utak ko kaya ayan. HAHAHAHA.

Salamat sa mga nagbabasa ah. Comment kayo para mas lalong masaya.

Chapterbels 34: Who will win the Semis?

Amber’s POV

Nang makarating ako sa school, dumiretcho agad ako sa World Lit. Naabutan ko naman dun si Trex na nakaupo sa upuan at nakikinig lang ng music. Agad kong hinigit yung earphone niya at nakangiting humarap sa kanya.

“What the—oh. Amber.” Napaayos siya ng upo at ngumiti saken. “You know, it’s not nice to just pull out someone’s earphone while they are using it.” He said with a straight face.

“Ah! Sorry. Itatanong ko lang sana kung may tickets ka for semis?”

Nagulat siya ng maitanong ko iyon. “Ah—about that. Siguro kay Dave ka nalang magtanong.” He said. “Si Eren lang kasi yung naikuha ko ng tickets kahapon eh.” He added tapos sinalpak niya ulit sa tenga niya yung earphones.

“Ahh—“ ‘di ko na naituloy yung sasabihin ko ng ipinaling na niya yung ulo niya sa ibang direction. “Ahh salamat.” Ngumiti ako ng pilit at umupo nalang sa tabi niya. Siguro hindi maganda gising ni Trex. Hayaan ko nalang.

Maya-maya dumating din si Macy at nakita ko pa kung paano niya tignan ng masama si Trex. Wait, may hindi ba ako alam? =_=

Natapos yung World Lit na hindi man lang natinag sa pagkaka-upo at pagsa-soundtrip si Trex. Ni hindi man lang niya kinuha yung notebook niya para mag-notes. Nang palabas na ako ng room, sumabay ako sa kanya.

“Oy Trex. Hihiram ka ng notes ko?” sabi ko sa kanya.

“Huh? Para saan?” sabi nito ng hindi man lang natingin saken.

“H-Hindi ka kasi nag take ng notes mo eh. Eto oh?” iniaabot ko yung notes ko pero hindi niya man lang ako tinignan.


“Ah siguro sa susunod na lang. Di ko naman kailangan ngayon eh.” Tinapik niya ako sa balikat. “Sige, Amber. Una na ako, may practice pa ako eh.” Tsaka ito tumakbo.

I sighed. Pagharap ko nakita ko si Macy na nakahalukipkip doon. Wait—kanina pa ba siya sa likod namin?

“O-Oy. Macy.” Awkward kong bati sa kanya.

Hindi niya ako sinagot pero I can see that playful grin sa mukha niya. Parang natitimang na yata siya eh. Bigla biglang nasulpot sa likod tapos nakangiti na parang may masamang balak ang babaeng toh.

Still A GirlWhere stories live. Discover now