Chapterbels 54: Indirect Confession

7.9K 142 70
                                    

Chapterbels 54: Indirect Confession

Macy's POV

Naglalakad ako papunta sa library, yung prof kasi naming si Miss Aisah, daming alam na research research. Sus. At bawal pa daw ang copy paste sa internet. No choice tuloy ako kundi pumunta sa boring naming library.

"Macy." napatingin ako sa likod ko ng makita ko si Dave. Pawis na pawis siya at hinahapo.

"Oh? Problema mo?!" tanong ko naman habang nakataas ang isang kilay ko.

"Saan ka pupunta? Sama." nagpacute pa saken tong mokong na toh at kinuha yung mga gamit ko.

I rolled my eyes at hinayaan nalang siya. Habang naglalakad kami ang daming nakatingin sa amin. Or kay Dave lang pala. Well, meron ding nakatingin saken. Yung mga tipo ng tingin na pupwede ng makapatay ng tao. Dahil siguro sa inggit. I don't know. Grabe kasi, pawisan siya at medyo agaw atensyon na naman siya sa mga babae sa hallway.

"Nakagawa ka na ng research sa Anthro?" tanong ko noong makapasok kami sa Library.

Nagkamot ng ulo si Dave habang sinusandan ako sa mga shelves. "Ah hindi pa. Busy kami sa practice. But since sasamahan kita, might as well do it, right?" he smiled and pulled one of the books out from the shelves.

Mga pauso ni Miss Aisah sa Anthro subject namin, ang Anhtropology daw kasi ay study ng humankind sa past at present mga ganun. Actually naiirita nga ako sa subject naming yon. Tinuturo kasi sa school ang tungkol sa nga ganyan, di naman related sa courses namin.

"Anong gagawin mong concept?" paglingon ko kay Dave ay busy itong magbasa ng libro. Nakatayo lang siya sa tabi ko pero focused siya sa librong nakuha niya. Napansin niya siguro na nakatingin ako kaya napatingin din siya. "M-May problema ba?" he asked.

I looked away at humugot din ng libro mula sa katapat kong shelf. "W-Wala. I-Ikaw? Anong concept ang pipiliin mo?!" I asked.

Napatawa siya ng bahagya at narinig ko ang pagsara ng libro na binabasa niya. "Concept ko? Siguro yung new beginnings ang kukunin ko." naramdaman ko ang paglapit niya saken. Imbes na i-entertain ang kung anong hiya na nararamdaman ko, itinaas ko ang noo ko at tumingin sa kanya.

"New beginnings? Okay."

"You?" his face turned serious upon reaching an inch closer to me. Nakaramdam ako ng pagkailang habang nakatayo pa din kami sa pagitan ng book shelves ng Anthropology section ng Library.

"A-Ako? R-Reality. Reality ang research ko. About reality tungkol sa pag-ibig. Na hindi lahat ng pinapangarap natin, nakukuha natin. Parang isang reality check, mga ganun." I still held my head high kahit halos sumabog na ang puso ko sa sobrang emosyon. Pinaghalong kaba, hiya at takot iyon. Nandoon din ang mainit na pakiramdam sa dibdib ko.

I saw him smirked. "Ouch. Mukhang susumbatan mo na naman yata ako?!" kasunod noon ang malalim niyang tawa. Agad din siyang napatigil dahil baka mapansin siya ng Librarian ng school na menopause na ata.

Still A GirlWhere stories live. Discover now