Chapter 43: The Chaline Hug

102 11 0
                                    

Celine POV

Kanina pa naiinis si Kaye sa akin. Kasi naman mula ng pumasok kami nakangiti lang ako. Paano kasi sabay kami ni Galvan pumasok. Sinundo niya kami ni Kaye kanina.

"Ayokong maglunch," biglang sabi ni Kaye sa akin.

"Bakit naman? Naghihintay sila ni Em sa canteen," natigilan ako sa pag-aayos ng gamit ko.

"Maglalandian lang ata kayo ni Galvan," sabay irap sa'kin.

"Landian talaga? Tara na kasi," sumama nga siya pero nakabusangot pa rin kaya natawa na lang ako.

Pagpasok namin ng canteen agad nahagilap ng mga mata ko sila Galvan. Pero ang sakit sa mata kasi nagtatawanan sila ni Kristen. Tapos magkatabi pa sila.

"Ano na prend? Papayag ka bang kunin ng China ang West Philippine Sea?" hindi ko pinansin ang sinabi ni Kaye at umupo sa harap ng dalawa.

"Celine! Nandito na pala kayo," kanina pa Galvan. Hindi mo napansin kasi busy ka dyan sa babae mo!

"Hi Celine. Hi Kaye," nakangiting bati ni Kristen. Nakakairita ang ngiti niya.

"Hello," wala sa mood na sagot ko.

"Matamlay ka ata Celine. May sakit ka ba?" tanong ni Jayden.

"Gusto mo samahan kita sa clinic?" alok ni Galvan.

Gusto kong umuo pero naiisip ko pa rin talaga ang tawanan nila ni Kristen. Iba talaga kasi ang closeness nila ni Kristen.

"Huwag na. Wala lang talaga ako sa mood," sagot ko.

"Order na tayo," sabat ni Kristen.

Panira talaga. Hindi ko alam bakit naiinis nanaman ako sa kanya. Noong nagalit sila ni Em sa akin parang hindi ako mapalagay ngayong okay na kami parang ayaw ko naman siyang kasama lalo na nasa tabi niya pa si Galvan.

"Wag ka masyadong pahalata," bulong ni Kaye sa tabi ko.

After umorder nila Galvan nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang ako habang nag-uusap usap sila ni Kaye, Em, Galvan, at Jayden.

Napatingin ako kay Kristen. Mukhang hirap na hirap siya sa pag slice ng meat.

"Ako na," mas lalo akong nainis kay Galvan sa pagtulong niya kay Kristen. Halata naman kasing arte lang ni Kristen 'yon.

After nang lunch na 'yon pumasok na kami ni Kaye. Nakakainis mag stay pa roon. Lalo na nandoon si Kristen.

Science class namin pina-stay ako ni Sir. Feeling ko lilitisin ako. Terror talaga kasi siya.

"Miss Romero gusto mo bang pumasa?" tanong niya.

"O-oo naman Sir," may plano ba siyang ibagsak ako?

"Then bakit hanggang ngayon hindi ka pa rin nakakapasa ng Reaction Paper mo? Alam mo bang ikaw nalang ang hindi pa nakakapasa? O baka naman balak mong next year pa pumasa?" may reaction paper ba siyang pinagawa?

Bakit hindi sinabi ni Kaye sa akin? Alam niya namang 'pag Science hindi ako nakikinig kay Sir.

Hindi ako makasagot. Nakayuko lang ako.

"Good afternoon Sir!" napalingon ako sa pinto.

Anong ginagawa niya rito?

"Yes Miss Raymundo?" bigla atang bumait si Sir.

"May napasama kasi sa reports na pinapirma ko sa inyo last time. Sorry po talaga Sir," may binigay siyang folder kay Sir.

"Hindi mo naman sinabing nakapaasa ka pala Miss Romero," sabi ni Sir.

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now