Chapter 35: The Prom

116 10 0
                                    

Celine POV

Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako sa pag payag kong maging date ni Galvan.

Simpleng black gown lang ang suot ko. Tapos kumuha pa kami ni Kaye ng MU artist. Ayoko pa naman sanang ginaganito ang mukha ko. Feeling ko mukha akong clown.

"Nariyan na ata sa labas si Galvan," kung hindi lang sana ako naka takong wala pang isang minuto nasa labas na siguro ako.

"You're....beautiful,"  feeling ko namula ako sa sinabi ni Galvan. Mukhang pasasalamatan ko na ang make up. Hindi nahalatang namula ang pisngi ko dahil kay Galvan.

"Thanks. Gwapo ka rin naman," totoong gwapo naman kasi si Galvan. Kahit anong isuot niya gwapo talaga siya.

Pagpasok pa lang namin ng hall sobra na kung makatingin ang mga students sa amin.

Kasalanan ko bang ako ang gustong date ni Galvan at hindi sila?

Ano ba Celine? Feel na feel mo talagang partner ka ni Galvan!

"Okay ka lang ba Celine?" kita nang kabado ako nagtanong pa siya.

"O-okay lang.."

"Chan!"

Pareho kaming napalingon.

Ngayon hindi na talaga okay. Dumating pa ang isang bagyo. Sana lamunin nalang ako ng lupa.

"Ow.. Hannah Celine?" napansin niya talaga ako.

"H-hi K-kristen.." sana hanggang dito nalang ang usapan.

"Akala ko talaga hindi mo pagbibigyan si Chan. Buti naman at pumayag ka," nagulat ako sa sinabi niya.

Bakit bumait to?

Or plastikan lang talaga 'to?

"Kristen umupo na tayo." tinawag siya ni Jayden. Thanks for saving my day.

Pero on the second thought malas pa rin talaga kasi nasa isang table lang kaming apat.

Ano bang meron sa aming apat at pinagpipilitan kami ng tadhanang magkita?

"CR lang muna ako," talagang naiihi na ako.

"Samahan na kita," bakit ba lapit ka nang lapit sa akin Kristen? Ako na nga ang umiiwas!

Aso't pusa ba tayo sa past life natin at ganyan ang trato mo sa akin?

Habang nasa CR kami damang dama ko talagang may pinaplano ang babaeng 'to.

"Wala akong gagawing masama sayo," napatingin ako kay Kristen. "I don't care about you. Si Chan ng concern ko."

Ang creepy talaga ng babaeng to. Ako ba may paki sayo? Pero ayaw ko na talaga siyang patulan.

Hinarap ko siya.

"Magalit ka sakin kung gusto mo. Ikaw ang bahala," umalis na ako agad baka ano pang gawin at sabihin niya.

Nagulat akong makita si Galvan na naghihintay sa labas ng CR.

"A-anong ginagawa mo r-rito?"

"Baka kasi mag away nanaman kayong dalawa," paano mo nalamang nag-aaway kami? But don't worry Galvan ayoko namang patulan ang bestfriend mo.

Bumalik na kami sa table namin. Hindi ko alam na ganito pala ka boring ang prom.

"Punta na tayo roon Chan," tumayo na si Kristen at inaya si Galvan.

Nagpaalam sa akin si Galvan pero hindi man lang sinabi kung saan sila pupunta.

"Kasali sila sa Cotillion de Rigodon," sabi ni Jayden. Siguro naramdaman niyang nacurious nanaman ako sa dalawa.

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now