Chapter 7: The Forgotten

269 45 0
                                    

Celine POV

Hello maw, Galvan ka pala?

Hays! Halatang nabasa ko ang nasa loob ng brown envelope. Baka sabihin pa niya napakapakialamera ko.

Uy maw kamusta? May nagpapabigay sayo o. Ano ba laman nito?

Hindi pwede!

Baka sabihin niyang wala lang 'yon. Siguradong hindi niya sasabihin sa akin kung bakit Galvan ang apelyedo niya sa birth certificate.

Akala mo ba maw 'di ko malalaman? Bakit hindi mo sinabi sakin na isa ka pa lang Galvan?

Para naman akong war freak na girlfriend kung 'yon ang sasabihin ko kay maw. Ano bang gagawin ko? Kainis naman e! Bakit ko pa kasi tiningnan ang laman ng brown envelope?Ayan tuloy gusto kong malaman kung bakit siya Galvan.

"Hoy Hannah Celine anong moment 'yan?" panira moment na naman ni Kaye.

Pero mukhang makakatulong sa akin ang babaeng 'to ngayon.

"Tsismosa ka naman Kaye 'di ba? May kapatid ba si Galvan?" hindi ko talaga mapigilang hindi itanong.

"Makatsismosa naman 'to. Sa pagkakaalam ko may kapatid siyang babae sa Australia. Bakit mo naman natanong?"

"May nadiscover kasi ako," natawa siya sa sinabi ko.

"Nagfi-feeling scientist ka na pala ngayon? Sige nga. Ano naman ang nadiscover mo?"

"Isang Galvan si Maw!"

Sandaling natigilan si Kaye sa sinabi ko. Pero agad din naman siyang nagreact sa sinabi ko.

"Eh ano naman kung isa siyang Galvan? Matagal na siyang Galvan anong problema ro'n?"

Alam ni Kaye na isang Galvan si Maw? Teka ako lang ba ang hindi nakakaalam? Bakit hindi ko alam? Bakit wala akong alam?

"Alam mo?"

"Em is my boyfriend remember? Friends silang matalik."

Buti pa sila alam nila. Hays! Pero ang sabi nga pala kanina ni Kaye may kapatid si Galvan na babae. Kung Galvan nga si Maw ibig sabihin...

"Transgender ba si maw?"

'Di ba nga babae ang kapatid ni Galvan. At dahil nga Galvan si maw ibig sabihin transgender si maw. Shocks! Hindi ko kinaya ang mga rebelasyon na 'to.

"Baliw ka na Hannah. Tigil-tigilan mo 'ko ha. Kung anu-anong iniembento mo. Ano na? Papasok ka ba o iiwan kita rito?"

Ang war freak talaga ni Kaye. Hindi na ma-joke. Pero naiisip ko pa rin ang pagiging Galvan ni maw. Kaya pala ang gwapo nilang pareho.

"Uy bubwit ang aga natin a?"

Akalain mo nga naman talagang nagtagpo ang landas namin ng lalaking 'to.

"Buti naman at nagpakita ka! Bakit hindi mo sinabi sa akin na isa ka palang Galvan?"

Napapikit ako sa kapalpakan na ginawa ko. Kanina lang sabi ko 'wag war freak pero nagawa ko na. Ang bunganga mo talaga Hannah pahamak!

"Ang aga-aga bubwit sumisigaw ka. Ano bang problema kung Galvan ako?"

Wow! So talagang wala siyang balak sabihin sa akin. Grabe! Parang wala lang sa kanya na nalaman kong isa rin siyang Galvan. Hindi ba niya alam na... pero ano nga ba naman ang pakialam ko?

Ah basta! Importanteng alam ko ang tungkol do'n. Competitive ako. Gusto ko alam ko ang alam nila.

"Ang pangit mo kasi para maging isang Galvan," naiinis kong sabi sa kanya.

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now