Chapter 12: The Search

206 40 1
                                    

Celine POV

After ng date namin ni Galvan inihatid niya ako sa bahay. Kahit na sinubukan kong alisin sa isip ko 'yon hindi talaga mawaglit ni kahit isang minute. Naiisip ko pa rin talaga ang pangyayaring 'yon.

Wala akong naaalalang nangyaring ganoon sa akin. Hindi kaya nagsisinungaling sila mommy about my accident? Pero kung totoo man wala naman akong proof na kasal nga ako. Ni singsing wala ako. Ni kasal namin ni Mister hindi nakarehistro.

Nakatulog ako sa pagod at pag-iisip nang panaginip ko.

"I like you."

Naririto na naman ako. Nakikita ko ang sarili ko at si Mister.

"Anong I like you?" inayos ko ang gamit ko at lumayo kay mister.

I am wearing my high school uniform at pati na rin si Mister. Totoo ba talaga 'to? Am I really seeing my past?

"Bakit ba ang hirap mong ligawan?" tanong ni Mister sa akin.

"Kasi gusto mo madalian. Tabi nga!"

Paalis na sana ako nang biglang...

"Aalis na ako. Hindi ko alam kung babalik pa ako ng GU," nanatili akong nakatalikod. "Hindi mo ba talaga ako gusto Hannah Celine? Kung ayaw mo talaga sa akin pwede ko bang malaman kung bakit?"

Nagsimula na akong maglakad palayo nang hindi sinasagot ang tanong ni Mister. Why I didn't answer his question? So we started from being enemy? Ganito ba 'yong naging simula namin ni Mister?

Pumunta ako ng mini forest. Seeing this really made me think it is real. I am a bit convinced that it a piece of my memory.

Sumandal ako do'n sa puno at ginulo ang buhok ko. I really do that when I'm confused. That girl is really me.

"Tanga-tanga mo talaga Hannah Celine! Si crush 'yon. Hahayaan mo ba talagang umalis yon?! Kakainis! Paano ko ba kasi sasabihin sa kanyang gusto ko rin siya? Pero may Hannah Kristen na siya," dismayadong sabi ko pa.

So this is it. Hannah Kristen is mentioned again. Sino ba talaga siya? Ano ba talagang kinalaman niya sa amin ni Mister?

Paalis na ulit sana ako nang may tumawag sa pangalan ko.

"Hannah Celine? Ikaw po si Hannah Celine 'di ba? Punta po kayong field-"

Hindi ko na pinatapos pa ang sinabi ng babae at pumunta ako agad sa field.

Si Mister!

Nasa gitna siya ng field. Sobrang init pa naman ng panahon. May mga studyanteng nakapalibot sa kanya.

He is wearing a blue shirt na may nakalagay na 'I Love Hannah'. Tapos may dala siyang human size na stuff toy at bouquet of roses.

Papalapit na sana ako ng may biglang may bumangga sa akin at naunang lumapit kay Mister.

"How sweet of you... Thank you."

Nabigla talaga ako sa pangyayari. So hindi para sa akin 'to? It's for Hannah Kristen?

Hinalikan pa niya si Mister sa pisngi kaya tumalikod na ako at naglakad palayo. I thought it was for me. Ibang Hannah pala.

Habang nakatingin ako sa sarili ko hindi ko maiwasang hindi maluha.

"You're crying."

Napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Galvan. Is this still a dream? Bakit siya nandito?

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now