Chapter 9: The First Midnight Kiss

250 47 0
                                    

Celine POV

Act normal lang Celine. Hindi ka na nanaginip kagabi kaya dapat sa ngayon magawa mong pansinin sila maw at Galvan.

"Natatae ka ba Celine?" naiiling namang tanong ni Kaye sa akin.

"Parang ganoon na nga? Kinakabahan kasi ako kina Maw at Galvan."

"Why?"


"Bakit?"

Pareho kaming napalingon ni Kaye. Sina maw at Galvan! Lagot na. Sabi na nga ba. Hindi ko talaga maiiwasang hindi makita ang dalawang 'to. Tinulak-tulak pa talaga ako ni Kaye. Supportive talagang kaibigan.

"Bakit ka kakabahan bubwit?" tanong ni maw.

"H-ha? K-kasi... k-kasi... Kasi gusto ko sana kayong imbitahin mag out of town. Oo tama 'yon nga," napakagat-labi ako sa idinahilan ko.

Pero buti na lang din at hindi ko nasabi ang totoong dahilan.

"When?" tanong ni Galvan.

"Ha? Ahm... n-nextweek kasi 'di ba sembreak na rin naman," parang pinagsisisihan ko ata ang sinabi ko.

Wala pa naman akong pera. Bakit 'yon pa kasi ang dinahilan ko?

"Sige sama ako bubwit," sabi naman ni maw.

Ang galing mo talaga Hannah Celine! Edi wala kang pang-enroll. Humingi kaya ako kay mommy? 'Wag na lang pala. Kakahiya 'pag humingi ulit ako.

"We can go to Tagaytay. May rest house naman kami ro'n," sabi ni Galvan.

"Talaga?" masaya talaga 'pag libre.

"Saya talaga ng bubwit basta libre," panira talaga 'tong si maw.

"I'll tell Em. Time na. Mauna na ko sa inyo. Kaya mo 'yan Celine," umalis na Kaye.

Awkward na tuloy. Dalawa pa talaga silang kasama ko. Paano na lang kung nalaman nila ang kaartehang ginawa ko kahapon?

"I'll bring a friend," sabi ni Galvan.

Alangan namang umayaw ako e rest house niyo ang pupuntahan natin. Minalas pa ata ang araw ko. Wala si Prof so prolong na ang time ko kasama ang dalawang 'to.

"Bubwit 'di ba Romero ang apelyedo mo?" out of the blue na tanong ni Jayden.

Ano na naman kaya ang trip nito? Kitang kabado ako mang-aasar pa talaga.

"Oo. Bakit ba?"

"Hindi ko kasi alam kung anong 'romero'n ka at nahulog ako sayo," napasimangot ako sa hirit niya.

Maw crush sana kita pero anong kakornihan ang pumasok dyan sa sentido mo at nagkaganyan ka? Hinarap ko naman si Galvan saka nagbitaw rin ng pick up line.

"Di ba Galvan ka? Napapaisip kasi ako ako kung 'galvan' kaya magiging tayo?"

Parang gusto kong lamunin na ako ng lupa. Ang korni ko rin pala. Tawang-tawa pa talaga si maw. Panira talaga siya.

"Bakit si Renz lang? Dapat ako rin. Unfair mo talaga bubwit."

"Sige sige. Gusto mo talaga maw e," isip-isip muna.

"Alam mo maw? Kahit 'galvan' panira ka at lam mo bang kahit ma-'riego' ka, bansot ka pa rin," nawala naman ang ngiti ni maw.

Ako naman ngayon ang natatawa. Narinig kong tumawa rin si Galvan. Ang cute niyang tumawa.

"At least ako nari 'riego' ikaw ang rumi-'romero' mo."

Hanep! Nakabawi.

"Excuse me cornflakes! Pwede ko bang maistorbo ang kakornihan niyo?" nagulat naman ako sa boses ni President Beks.

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now