Chapter 37: Valentines Date Part 1

115 10 0
                                    

Celine POV

"Anong inuupo mo dyan?" hindi ko namalayan ang pagdating ni Kaye.

Mabilis akong tumayo at inayos ang sarili ko.

"Kanina ka pa?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Hinatid pa nga ako ni Em," pumasok na siya't sumunod ako.

Bakit parang wala ata siya sa mood? Nag-away ba sila ni Em?

"Hindi kami nag-away ni Em," umupo siya sa sofa at pumikit. Nabasa niya ang iniisip ko.

"Bakit parang wala ka sa mood?" hindi naman kasi ganyan yan tuwing hinahatid siya ni Em.

"Muntik nang matapilok si Kristen kanina tapos sila ni Em at Jayden mas mabilis pa kay flash kung umalalay. Alam mo yung feeling na iniwan ka niya para alalayan ang ibang babae? Nakakaselos Celine," wala akong masabi.

Napapansin ko nga ang mga ganoong kilos nila Galvan kay Kristen.

"Trust Em. Mahal ka niya Kaye. Yon lang ang dapat mong isipin," nasabi ko sa kanya pero sa sarili ko hindi.

I trust Galvan. Ang nararamdaman niya ang nakakapagduda.

"Mauna na ko," umakyat na siya sa kwarto niya.

Bakit nga ba ganoon sila kay Kristen?

Kaye POV

Pagkagising ko nakita kong bihis na bihis na sa pagkainan si Celine. Nauna siyang magising sa akin?

"Aalis ka?" halatang nagulat siya. Hindi niya siguro naramdaman ang paglapit ko.

"Y-yes," kabadong sagot niya.

Napailing nalang ako.

"Valentine pala ngayon kaya bihis na bihis ka. Si Renz ba?" panunukso ko sa kanya.

"V-valentine n-ngayon?" mukhang nagulat siya. Wala bang kalendaryo sa kwarto niya?

"Nakipagdate ka tapos hindi mo alam ang okasyon?" hindi siya nakasagot.

Madali ka talagang mabasa Hannah Celine. Gustung-gusto mo pero wala kang ginagawa para maging sayo.

"Natatakot ako sa date niyong yan," napatingin siya sa akin.

"H-ha?"

"Wala kasing label yan. Baka may isang aasa at isang masasaktan," nagsimula na akong kumain.

Panigurado naman kasing mapaapaisip ang babaeng 'to sa sinabi ko.

Ayos lang naman sakin ang paganyan ganyan nila ni Renz. Pero wala kasing sila.

Celine POV

Pagdating ni Galvan nagpaalam na ako kay Kaye.

"Hindi mo dala ang kotse mo?" mabuti na rin ata ito. Mas kinakabahan ako pag dala niya yon.

"I want to spend more time with you," iniwas ko ang tingin ko.

Sumakay kami ng jeep. Pinagtitinginan siya ng mga babae. Bakit ba kasi ang gwapo niya?

"Kuya paabot ng bayad," sabi ng isang babae kay Galvan.

Kay Galvan talaga. Nandito naman ako para mag-abot a!

"Thanks kuya," halatang kilig na kilig ang babae. Nakakainis!

Nagulat ako ng hawakan ni Galvan ang kamay ko.

"Hold what's yours so others won't take it," napatingin ako sa magkahawak naming kamay.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Idagdag pa yung sinabi niya. Hanggang sa pagbaba namin hindi maalis ang ngiti ko.

MIDNIGHT KISS Season Iजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें