Chapter 50: The Heart

117 11 0
                                    

Celine POV

Tahimik akong kumain. Hindi pa rin kasi nagsisink in sa isip ko na si Jayden ang gusto ni Kristen.

Kung ganoon ang tinutukoy niyang lalaki sa mga sinasabi niya noon ay si Jayden?

Pero bakit parang si Galvan ang gusto niya?

"Are you still mad?" napatingin ako kay Galvan.

Kanina pa ba siya nakatingin? Kasi parang hindi nabawasan ang pagkain niya sa plato.

"May iniisip lang ako," bumalik ako sa pagkain. Nakakailang kasi.

Nagulat ako ng may nilagay siya sa kamay ko.

Bracelet?

Kaya napatingin ako sa kanya na para bang nagtatanong kung para saan ang bracelet na yon.

"Nagpasama ako kay Kristen kanina para bilhin yan. Kapalit noon samahan ko siya sa assessment," he started to eat.

Maganda siya. Simple lang. Sinubukan kong tanggalin pero hindi siya matanggal. Doon ko nakita na kakaiba ang lock niya.

"Only I can remove that," he is still focused in eating.

"Eh?"

"That is a Love Bracelet. That is locked and this is the only thing that could unlock that," ipinakita niya sa akin ang suot niyang necklace.

Hinubad niya yon at ipinakita sa akin kung paano matatanggal ang bracelet.

"That's my gift for you," bumili talaga siya ng regalo.

Parang kanina lang iyak ako ng iyak sa lalaking 'to.

"I'm sorry about earlier. Hindi ko alam na ganoon pala ang nararamdaman mo. Akala ko kasi okay na kayong dalawa," he looked sad.

Nagiguilty ako sa pinagsasasabi ko kanina. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya.

"Sabi mo gusto niya si Jayden. Is that true?"

"Mmm.." he wear the necklace again.

"Paano mo nalaman? Sinabi niya ba sayo?" he looked at me.

Bigla akong nahiya.

"She told me," tumayo na siya't inayos ang pinagkainan namin. "But she didn't tell me the rest of the story."

Tinulungan ko siyang mag ayos. Ang awkward. Pero kasi hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi sabihin yon.

Nang mag college kasi sila palagi silang magkasama. Minsan na lang rin niya akong masundo simula ng second semester.

Wala kaming imikan hanggang sa maihatid niya ako.

Palabas na sana ako ng kotse nang magsalita siya.

"Do you still love me?"

Napatingin ako sa kanya. Diretso lang ang tingin niya. Blanko lang ang ekspresyon niya.

"O-oo naman. Ano ka ba? I j-just got mad kasi nga umalis ka kanina. Pero hindi ibig sabihin noon hindi na kita mahal," pagpapaliwanag ko.

"I feel unworthy of your love B. I feel like I'm the worst boyfriend. I hate seeing you cry. I hate the fact that I made you cry," he looked calm pero ramdam ko ang lungkot sa mga sinabi niya.

Inalis ko ang seat belt ko at niyakap siya.

Ngayon lang naman kasi nangyari 'to. Magmula nang maging kami hindi kami nag aaway tulad ng kanina. Oo nag aaway kami pero nagbabati naman kami agad at natatawa na lang. But now is different.

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now