Chapter 48: The First Kiss

116 10 0
                                    

Celine POV

Gusto ko sanang isurprise si Galvan pero lagi naman kasi siyang busy. What's more next year. Med Tech pa naman ang kinuha niyang kurso.

"Ang lungkot mo ata Aling Kleng," inirapan ko si Kaye. Nang-aasar nanaman siya. "Ang taray a. Porket malapit na anniversary niyo ganyan ka na."

Napatingin ako kay Kaye. Good thing nandito siya.

"Can you help me?" nag pacute pa ko sa kanya.

"Stop that. Hindi ka cute. Ano bang kailangan mo?"

"Gusto ko sanang isurprise si Galvan," nagbuklat na siya ng libro. Haaaaay... Ang supportive niya talaga.

"Anong bang plano mo?" napangiti ako ng tanungin niya ko.

"Ipagluluto ko siya ng dinner," masaya ang pagkakasabi ko pero bumalik siya sa pagbabasa.

"Dinner is so common Celine. Lahat naman ata nagdidinner. Think of something different or put something different with that dinner."

Something different?

"Remember his first confession? Doon sa Mini Forest. Doon mo siya isurprise. Nasurprise mo na siya napalitan mo pa ng masayang alaala ang nangyari sa inyo sa mini forest noon," she has a point.

"Thank you talaga," she just rolled her eyes. Kunwari pa siya.

After class pumunta akong building nila Galvan. Nag-uusap pa sila ni Kristen kaya hindi ko na muna siya tinawag. Pero napansin niya ata ako.

"Hannah Celine!" nilapitan niya ako agad.

Hindi niya ata naalala. Pero okay na rin yon. Para atleast masurprise talaga siya.

"Mamaya nalang 'ten," tinanguan lang siya ni Kristen.

Infairness kay Kristen mukhang umuokay na kami pero minsan naiisip kong baka may pinaplano siya. Basta ang weird na parang wala lang kami sa kanya. Diba nga gusto niya si Galvan?

"Nagseselos ka ba Hannah Celine?"

Nabigla ako sa tinanong ni Galvan? At talagang yon ang iniisip niya ha.

"No. Bakit naman ako magseselos?" naglakad ako palayo sa kanya. Inaasar niya nanaman ako.

"Kung hindi ka nagseselos bakit ka lumalayo?" nakangiti siya sa akin.

Ayoooon! May sariling interpretation.

"Wag ka ngang ngumiti,'' hindi kaya ng puso ko sa pangiti ngiti niyang yan.

Nabigla ako ng hinalikan niya ako!

"Ang cute mo talaga," tumakbo siya palayo.

"Nakakainis ka talaga!!!!!!!! First kiss ko yon!"

Sabi ko pa naman dapat sa Anniversary namin ang kiss! Kahit pa smack lang yon. Nanlululumo talaga ako. Hindi ko siya pinansin. Hanggang sa canteen.

"Anong nangyari?" rinig kong tanong ni Jayden.

Binulungan siya ni Galvan. Tapos natawa si Jayden. Ano kayang sinabi niya? Lagi niya nalang akong pinag titripan.

Ang first kiss koooooo!!!

Kahit pa dampi lang yon. Tsaka malabot ang lips niya gusto ko pa rin na matagal at...Oh my God! Bakit ko iniisip na dapat matagal ang first kiss ko? Napailing ako sa naisip ko.

"Anong nangyari sa girlfriend mo Renz? Para atang wala sa sarili," narito na rin pala sila Kaye at Em.

Tulad ng kay Jayden binulungan niya rin si Em.

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now