Chapter 5: The Choice

293 46 9
                                    

Celine POV

Nasa sasakyan ako ni Galvan pero iniisip kopa rin si maw. Hindi ko makalimutan na nakita ko siya sa panaginip ko. At hindi ako pwedeng magkami. He was Mister. I knew it. This time hindi na fictional. 

"Anong iniisip mo?" tanong ni Galvan.

"Ha? Wala naman," nahiya ako kay Galvan.

Si Galvan ang kasama ko pero si maw ang iniisip ko. Napasalawahan ko talagang babae. Hindi ko ko rin naman kasi kayang pigilan ang isip ko na hindi isipin ang napanaginipan ko.

Pagdating namin sa school hindi na kami nagkausap. Dumiretso ako kay Kaye. Baka matulungan niya ako. Ayokong parang in between ako kay Galvan at Maw.

"Kaye!" tawag ko sa kanya.

"Oh? Hannah Celine! Anong ginagawa mo rito?"

"Samahan mo ako," dinala ko siya sa bench malapit sa building nila.

"Naalala mo ba ang sinabi ko sayo? Noong na trapped ako sa library?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Sabi mo pa nga hinalikan ka ni Midnight Phantom. Eh fictional character lang naman 'yon sa libro.Bakit? Ano na naman ba ang naiisip mo?"

"I think alam ko na kung sino siya."

"Sino?"

"Si maw. Siya ang humalik sakin sa library," tumawa lang si Kaye. 

I really saw him in my dream last night. Siya 'yong nasa library. It must be him who kissed me. At malaking possibility siya rin si Mister sa panaginip ko.

"Alam mo Hannah Celine kinacareer mo na talaga ang pagiging bubwit mo," panay pa rin ang tawa niya.

"Hindi ako pwedeng magkamali Kaye. Napanaginipan ko kagabi ang nangyaring 'yon. And I saw maw. Siya 'yon," pagpupumilit ko pa sa kanya.

"Akala ko ba si mister ang napapanaginipan mo? Alam mo Celine hallucination lang 'yan. Wag mo na lang isipin," turan niya pa sa akin.

"Hindi ko rin alam kung bakit 'yon ang napanaginipan ko at hindi si mister. But I think he is mister," dagdag ko pa.

"Ewan ko sayo Hannah Celine. Kung anu0anong naiisip mo. Maya na tayo mag-usap. Baka naroon na si Prof. Alis na 'ko"

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now