Chapter 27: The Vacation Day 2

114 35 0
                                    

Celine POV

"Para saan 'yan?" binigyan ako ni Jayden ng chocolate.

"Para sumaya ka naman. Matagal pa silang makakarating dito. Baka gabihin pa nga sila sa daan," bakit kasi sila lang dalawa?! Tsaka akala ko ba kompleto na ang mga dala namin.

"Masaya kaya ako," sabi ko na lang at tsaka kinuha ang chocolate.

"Mahal," napalingon ako kay Jayden. "...yan... Mahal yan," sabay tawa ng napakalakas. Akala naman niya nakakatawa 'yon.

"Baliw," lumayo ako sa kanya.

Sunod lang siya ng sunod. Wala ba siyang ibang mapagtripan.

"Bakit ba-" sinubo niya... No... Sinaksak niya sa bunganga ko ang chocolate.

"Nariyan na ang mahal mo o," hinanap ko kung nasaan si Galvan. Pero parang hindi pa naman sila dumadating.

"Hahaha... Gustong-gusto mo talaga si Renz," akala ko talaga seryoso siya!

"Nariyan naman talaga kasi sila," bigla siyang napalingon.

"Hahaha... Gustong-gusto mo talaga si Kristen."

Napatawa na lang din siya.

Galvan POV

"Ano ba ang binili mo?" tanong ni Kristen sa akin.

"Wala. Secret na 'yon," napasimangot nanaman siya.

"Akala ko ba tropa tayo!"

"Akala mo lang 'yon," pagkasabi ko noon binatukan niya na naman ako.

"Tara na nga. Baka ano pa isipin ni Hannah Celine mo 'pag nagtagal pa tayo dito," bumalik na kami sa campsite.

Magkasama sila ni Jayden. Nagtatawanan. Bakit magkasundo na sila agad? She's even smiling with Jayden. For the years past I've never seen her laughing out loud like that because of me.

"Okay ka lang Chan?"

"Oo naman," why are you so negative Charence?

Kaibigan ko si Jayden. Alam ko si Kristen ang gusto niya. Sana huwag si Hannah Celine.

Celine POV

"We're here!!" narito na sila Kristen.

Pero bakit parang hindi ata maganda ang pakiramdam ni Galvan. Nilapitan ko siya.

"Okay ka lang ba? Para kasing may sakit ka," hahawakan ko sana ang noo niya pero nagulat ako ng napaatras siya.

"Okay lang ako," tumalikod siya at kinuha ang dala ni Kristen.

Okay lang ba talaga siya?

"Nakita ka kasi niya," napatingin ako kay Kaye. "Alam mo Hannah Celine gusto ka ng lalaking 'yon. At your first day, sunod ng sunod na 'yon sayo. Saksi ako sa ginagawa niya para sayo."

"Alam ko naman 'yon."

"Alam mo Hannah Celine. Hindi ko alam kung ano ba ang mahina sayo. Ang utak mo ba, ang puso mo ba o 'yang mata mo. Alam mo ba kung anong ibig kong sabihin? He's inlove with you but you are hurting him. Kahit ako naman makita ko ang taong gusto kong may kasamang iba tapos ang saya pa nila malulungkot talaga ako. If you can't love him back sana respetuhin mo naman ang feelings niya."

It's my first time to hear something like that from Kaye. Dahil pala kay Jayden. Pero hindi naman kasi kami talo ni Jayden. Si Galvan naman at Kristen ang pinag-uusapan namin. Pero kapag pala hindi mo sinabi, iba ang iisipin ng tao.

"Smile!"

Nabigla ako ng kinunan ako ng litrato ni Galvan.

"It's..... cute," sinubukan kong kunin ang camera sa kanya kaso ang tangkad niya.

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now