Chapter 36: The Changes

117 11 0
                                    

Celine POV

Pagdating nila Galvan at Jayden wala pa rin kaming imik ni Kristen. Buti naman at hindi napansin ng dalawa.

"Gusto mo bang isayaw kita?" tanong ni Galvan sa akin.

Hindi ko alam kung bakit napalingon ako kay Kristen. She's doing nothing. She's not even looking at me. But.....

She's bothering me.

"Hannah Celine... will you have a dance with me?" aya ulit ni Galvan.

Hindi ko siya tinanggihan pero may part sa isip kong sana hindi ako pumayag.

Hindi mawala wala sa sistema ko ang sinabi ni Kristen.

Ang s-swerte mo kasi...kasi g-gusto ka ng taong gusto mo at k-kahit iniwasan mo pa si Chan balik pa rin siya ng balik s-sayo.

Ang s-swerte mo kasi...kasi g-gusto ka ng taong gusto mo at k-kahit iniwasan mo pa si Chan balik pa rin siya ng balik s-sayo.

Ang s-swerte mo kasi...kasi g-gusto ka ng taong gusto mo at k-kahit iniwasan mo pa si Chan balik pa rin siya ng balik s-sayo.

"Are you okay?"

Iwinaksi ko sa isipan ko ang sinabi ni Kristen. Wala lang yon. Celine wag mo ng isipin yon.

Pero ang lungkot sa mga mata niya... para talagang...

"May sakit ka ba?" napatingin ako kay Galvan.

"Sorry," nawala sa isip kong narito pala kami sa gitna at sumasayaw.

Tumingin ako sa table namin. Wala na roon si Kristen.

"Naiilang ka ba sakin?"

"H-hindi. May i-iniisip lang ako," ano ba kasi Hannah Celine? Kasama mo si Galvan pero iba ang iniisip mo.

"Gusto mo na bang umuwi?" tanong niya sa akin.

"No! I mean okay lang talaga ako," pati tuloy si Galvan nababahala.

"Upo na muna tayo," hinawakan niya ang kamay ko papunta sa table namin.

Nagiging abnormal nanaman ang tibok ng puso ko. At si Galvan lang ata ang makakagawa nito.

"Nasaan si Kristen?" tanong ni Galvan kay Jayden.

"Nasa labas. Tumawag ang mommy niya," isa rin itong si Jayden.

Bakit parang kakaiba ang kilos niya ngayon? Hindi ba siya masayang partner niya si Kristen sa prom nila?

"I'll look for her. Just wait here okay?" pagpapaalam ni Galvan.

"Celine!"

Akala ko bumalik si Galvan. Si Kaye pala. Tumabi siya sa akin at si Em naman tumabi kay Jayden.

"Nakita ko yon kanina. So ano? Kayo na ba?"

"Ha?" anong bang pinagsasasabi niya?

"Maang maangan pa to. Sinagot mo na ba si Renz?"

"Hindi naman nanliligaw yon. Diba nga umiiwas na ko sa kanya," kumuha ako ng tubig at uminom.

"E para saan 'tong prom date niyo at pagsayaw niyo dun kanina? Ano yon? Wala lang yon?"natigilan ako sa tinanong ni Kaye.

"W-wala lang naman t-talaga yon," pero sa loob loob ko parang gusto kong sabihin kay Kaye na umaasa akong maging okay kami ni Galvan.

"Ang corny niyong dalawa. Bahala nga kayo. Saan pumunta si Renz?" naiinis niyang tanong sa akin.

"Pinuntahan niya si K-kristen," hindi ako tumingin kay Kaye.

"Kristen nanaman? Iniwan ka niya talaga dito para kay Kristen?" naiinis na nga talaga si Kaye.

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now