Chapter 38: Valentines Date Part 2

108 9 0
                                    

Celine POV

Pagkatapos makuha ni Galvan ang last blue na Stitch pumunta kami ng sinehan. Gusto niya raw manood.

Nakabili kami ng ticket pero mamaya pang 1 pm ang sched. Kaya nag-ikot ikot na muna kami.

"Gusto mo ng ice cream?" tanong niya sa akin.

I just nod at sumunod sa kanya papasok. Pinaupo niya ako at siya ang nag order ng ice cream.

"Isa lang ang inorder mo?" isa lang kasi ang dala niyang ice cream.

"We'll share," nakalagay naman sa cup ang ice cream kaya ayos lang na mag share kami.

Naiilang ako pero ayokong ipakita yon sa kanya.

Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang bibig ko. Which makes me shiver.

"A-ako na," kinuha ko ang tissue at ako na ang pumunas ng bibig ko.

Binibigyan niya talaga ako ng dahilan para mas lalong magustuhan siya. His cheesy gestures makes me like him more.

"May alam akong character shop dito," sabi niya nang palabas na kami.

"Doon tayo," sinabayan ko siya sa paglakad. He is not holding my hand.

Are you expecting Hannah Celine?

Hindi naman ako ganito. Pero bakit ba nag eexpect ako sa lalaking 'to? Oo nagustuhan ko ang pag hawak niya ng kamay ko pero nakakainis kasi hinahanap hanap ko.

Nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko. Nababasa niya ba ang iniisip ko? I looked at him. Nakangiti lang siya pero walang bahid ng panunukso.

So it's just him. Kagustuhan niya lang talaga na hawakan ang kamay ko.

"That's the shop," tumigil kami sa paglalakad.

Napatingin ako sa shop na tinutukoy niya. Namangha ako sa shop. Ang daming characters. Naroon si Spongebob, hello kitty, tweety bird, doraemon at marami pa.

Iniwan muna namin sa baggage area ang paper bag na may lamang Stitch mula sa catcher at tsaka ang bulaklak na binili niya sa akin. Hinanap ko kung nasaan si Stitch and there he is. Ang cute niya talaga.

Mayroong stuff toys, pens, wallets, keychains, at iba pang merchandise na Stitch ang design.

Kukuha sana ako ng mga items na wala sa collection ko. Pero ang hirap kasi hawak ni Galvan ang isang kamay ko.

"B-bibili ako," sabi ko sa kanya.

"Sure. I'll pay for it. Ano bang gusto mo?" pambihira. Gwapo nga pero slow naman.

"Hindi yon," itinaas ko ang magkahawak naming kamay para ma gets niya ang ibig kong sabihin.

"Gusto mong bilhin ang kamay ko?" nakangiti niya pang tanong.

"N-no. Ang ibig kong sabihin pwedeng pabitaw kasi pipili ako," naiinis kong sagot sa kanya.

"Ops sorry," binitawan niya ang kamay ko habang nakangisi.

Nananadya talaga ang lalaking 'to.

Habang namimili ako hindi ko namalayan ang pag-alis niya. Saan nanaman kaya siya pumunta? Inikot ko ang paningin ko pero wala talaga siya.

I sighed. Pinagpatuloy ko nalang ang pamimili. Babalik naman siguro yon.

After ko mag shop wala pa rin siya. Akala ko ba siya ang magbabayad? Ang dami ko pa namang kinuha. Hindi ko na siya hinintay. Pumila nalang ako sa counter.

"Ang cute niya," sabi ng babae sa unahan.

Kaya napatingin ako sa tinitingnan nila. Nanlaki ang mata ko nang makita si Galvan. Suot ang shirt na may disenyong Stitch. Papalapit siya sa akin.

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now