Chapter 32: The Song

118 13 0
                                    

Kaye POV

Bakit hindi siya nagrereply? Kanina pa ako text ng text sa kanya. Wala talaga siyang balak magreply. Buti lang nakita ko siya agad.

"Em!" napalingon si Em sa akin.

Pero alam ko nagtatampo siya dahil hindi ko napanood ang game niya.

"Tapos na ang laro namin."

Sabi na nga ba. Nagtatampo talaga siya. Hindi ko naman kasi maiwan si Hannah Celine.

"Sorry na nga kasi," hindi naman kami nag-aaway ng matagal. Saktong tampo lang. Pero sa aming dalawa siya talaga 'yong malambing.

"Asan sila ni Renz?"

See? He's not really mad. Pero 'yon nga ang nakakatakot. Masyado siyang mabait. For sure 'pag totoong nagalit siya sobra rin.

"Nanood ng laro ni Kristen."

"Manood na rin tayo. Tara," hindi ako umalis sa kinakatayuan ko. "Hindi ka ba sasama?"

"Gusto mo ba si Kristen?" tinawanan niya lang ako.

"Nagseselos ka ba?"

Hindi ko siya pinansin at naglakad na lang ako palayo. Hindi niya man lang sinagot. Ano bang meron kay Hannah Kristen na yon at parang bihag niya ata ang Spades?

"Wala akong gusto kay Kristen okay? Wag ka ngang negative," pumunta kami sa court pero wala na sila ni Hannah Celine.

Saan naman kaya sila pumunta? Sila na kaya?

"Actually, kay Mika ako may gusto," napatingin ako kay Em. "That's how Spades supposed to be. I am for Mika. Kristen's for Renz and Kristell's for Jayden."

Si Mika? Ang kapatid ni Renz? So bakit ako ginawa niyang girlfriend? Pero buti nalang wala dito si Mika.

"But Mika is really not a girlfriend material for me. Tsaka takot ko na lang kay Renz," pagkukwento niya.

"Pero sinabi mo ba kay Mika na gusto mo siya?" don't tell me you confessed to her?

"Nope. Baka 'pag naghiwalay tayo- aray," sinipa ko 'yong paa niya. Anong hiwalay? Ganyan niya ba kagusto si Mika para sabihin niya sa akin 'yon? "Nagbibiro lang naman ako. Masyado ka namang seryoso."

Hindi ko siya pinansin at lumapit sa isang student na nanonood ng volleyball.

"Miss nakita mo ba sila ni Re- I mean Prenz?" hindi naman kasi ako kabilang sa Spades para tawagin si Renz sa pangalan niya 'pag nakikipag-usap sa mga taga GU.

"Dinala po nila si Miss Kristen sa clinic," si Kristen?

"What happened to Kristen?" tanong ni Em doon sa babaeng pinagtanungan ko.

"Nainjured po siya kanina sa game."

"Sige, thank you Miss. Puntahan natin sila," pumunta kami ni Em sa clinic.

Papasok na sana kami nang marinig naming may kausap si Kristen.

"I'm sorry if I'm too harsh with Celine. But you know me Jayden. I'm only protecting the Spades," si Hannah Celine?

"Protect from what Kristen? Hindi kita maintindihan Kristen. Ano bang ibig mong sabihin?"

"Hannah Celine's sick. She's sick Jayden," she knew? Napatingin si Em sa akin. Maybe he's surprise.

"What do you mean?" tanong ni Jayden sa kanya.

"She has a heart failure. Chan's obsessed with her. If she's going to fell for Chan she might die. I don't want Chan to be hurt if that happens," hindi tumingin si Kristen kay Jayden. "Protect her Jayden. Akong bahala kay Chan."

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now