Chapter 11: The Best I Ever Had

223 45 0
                                    

Celine POV

Nang makarating kami sa bahay dumiretso na kaagad ako ng kwarto. Ayokong matanong ni Kaye. Baka nahalata niya kami kanina ni Galvan.

Pagkahiga ko itinakip ko sa mukha ko ang unan at sumigaw. Ganito pala 'pag pinigil mo ang kilig mo. Sa van pa lang ang lakas na ng tibok ng puso ko. Ni hindi nga ako nakatulog kanina.

Bakit ba ang sweet ni Galvan tapos ang bango niya pa? Syempre naamoy ko kanina. Ako pa ba?

Biglang tumunog ang phone ko kaya't chineck ko kaagad ang message.

From: Galvan
Still up Bieh?

Message:
Yes. Hinihintay ko pang dumating ang antok ko.

Hindi rin naman nagtagal at nagreply siya kaagad sa akin.

From: Galvan
Akala ko ako ang hinihintay mo bieh

Napangiti ako roon ah. Maya nang kilig Hannah. Ano ka ba? Reply muna.

Message:
Kidding na naman ata 'yan. Nga pala bakit bieh? Akala ko letter B. So B as in Bieh talaga?

From: Galvan
It's Best I Ever Had. Because you are the 'Best I Ever Had' ;)

Nakakarami ka na Galvan. Ganon pala 'yon? Saan niya kaya 'yan napulot? Pero mabuti na 'to para 'di halata kung 'yan man ang itawag niya sakin kahit sa harap nila Kaye.

Message:
Saan mo 'yan napulot?

Habang hindi pa siya nagrereply I changed his name in phonebook to Bieh

From: Bieh
I just found out thinking of you.

Ito ba talaga Lord ang binigay mong boyfriend sa akin? Baka mamamatay ako sa kilig. Hindi na ako nagreply pa at natulog na.

Pagkagising ko kinaumagahan agad akong napangiti kasi ng hindi ko napanaginipan ngayon si Mister. No dreams no overthinking.

I checked my phone and to my surprise daming text ni Galvan.

Are you still up bieh?

What are you doing?

Bieh?

Did you fell asleep?

May nangyari ba? Are you okay?

Nasa labas ako ng bahay niyo Bieh.

Nakatulog ka lang pala. Goodnight!

Nasa hospital ako bukas sama ka?

Hindi ko na binasa ang iba niya pang text. He's so thoughtful. So magkikita pala kami ngayon. Kakaexcite. Naligo na muna ako saka nagbihis.

Hindi ko alam kung anong isusuot ko. Ayoko namang mag-overdressed baka sabihin niya sobrang nagpaganda ako sa kanya. Itong pink na lang nga.

Pagbaba ko lumalamon na si Kaye. Lamon talaga kasi hindi niya man lang ako ginising o kahit inimbita man lang.

"Kain tayo Hannah Celine."

Anong tayo? Kumakain ka na kaya. Umupo na ako't kumain na rin.

"May pupuntahan ka ba?"

Bigla akong nabulunan sa tanong niya. Karma ata 'to kasi sinabihan ko siya ng lamon.

"Hinay hinay lang kasi sa pagkain Kleng," inabutan niya ako ng tubig.

Buti na lang 'di niya na ako tinanong pa.

Sumakay ako ng taxi papuntang GMH. I'm so bored so I plugged my earphones then listened to some music para makapagrelax. Ewan ko ba bakit kinakabahan ako. Para namang first time namin magkikita ni Galvan.

MIDNIGHT KISS Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon