Chapter 39: Ice Cold

115 10 0
                                    

Celine POV

"Quarter to one na rin naman. Pumunta na tayo roon. Baka mahuli tayo sa movie," doon nga kami sa sinehan dumiretso.

Sobrang lamig sa loob. Ang dami pang couples. Ang seryoso ni Galvan. Tutok na tutok talaga siya.

"Staring is rude," napapitlag ako nang sabihin yon ni Galvan habang nakatutok pa rin sa pinapanood namin.

Iniwas ko ang tingin ko. Bakit ba kasi tingin ako ng tingin sa kanya?

Nanood nalang ako. Pero hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya. Nabigla ako ng paglingon ko nakatingin rin siya sa akin. Nakangiti pa! Hindi lang yon. Ang lapit niya pa. Hindi ko man lang naramdaman ang paglapit niya.

"A-anong g-ginagawa mo?"

"I have premonition," natigilan ako sa sinabi niya.

"W-what?"

"I foresee future," dagdag niya pa kaya mas lalo akong naguluhan. "You are my future."

Mas lalo akong natigilan. Ano bang pinagsasasabi niya? Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Mabuti nalang at madilim kaya hindi makikita ang pamumula ko.

"B-baliw ka!"

"Yes. I 'm crazy for you," itinuon ko ang tingin ko sa screen. Nababaliw na nga talaga siya. Ganito ba ang epekto ng Valentines sa kanya? "I like the color of your lips."

Napapikit ako. Ano bang ginagawa mo sa akin Galvan? I looked at him.

"Manunuod ba tayo o pagtitripan mo lang ako?" kahit madilim nakita ko ang pag ngisi niya.

"Manunuod. Hindi kita pinagtitripan. Can't you see? It's a confession. I'm showing you my feelings."

I ignore him. Kusa naman siyang tumigil. Napabuntung hininga nalang ako.

"Ayaw mo ba sakin?" biglang tanong niya.

"A-ano? Hindi a!" bakit ba bigla bigla siya kung magtanong?

"So gusto mo ko?" napatingin ako sa kanya. He is smiling. "Sige next time mo nalang sagutin."

Hanggang sa matapos ang pinapanood namin hindi mawala sa isip ko ang tinanong niya. Pagkakataon ko na sana yon.

Walang imikan kaming lumabas na ng mall. Pumara siya ng taxi. Ang hirap pa naman kasi may dala akong paperbag.

"Saan tayo pupunta?" I asked him pero tahimik lang siya.

Bumaba kami sa GU. Bakit dito? Anong gagawin namin dito? Nauna siyang naglakad. Sumusunod lang ako sa kanya.

Sa miniforest?

Nakapasok na siya pero ako nandito pa rin sa kinakatayuan ko. Ilang minuto rin bago ako pumasok.

Ano 'to?

May nakasabit na mga puso sa taas. May mga rose petals na nagkalat sa daan. Ilang meters ang layo ko kay Galvan. May hawak siyang bouquet of white roses. Iyon ata kanina ang binili niya for me. Hindi ko man lang namalayan ang pag kuha niya non sa paperbag.

"Hannah Celine!" I looked at him as he call my name. "Will you get through the distance between us just to be with me?"

Bigla akong natigilan.

"Come closer to me and I'll keep you close to my life."

He is smiling for God's sake. This is my chance. Kahit hindi niya sabihin. I will come close to him. This is my perfect timing. I am about to take a step when I heard my phone ringing.

Sinagot ko ang tawag.

"It's Em. Nandito kami ni Kaye sa hospital-"

"Ano?! Wait me there. Pupunta ako dyan. Text me kung saang hospital."

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now