Chapter 19: The Note

164 39 0
                                    

Celine POV

"You didn't tell me you're with him."

G-galvan...

"Let me-"

Naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong niyakap. Parang tinatambol ang puso ko sa kaba kanina at mas lalo pang tumodo sa ginawa niyang pagyakap sa akin. What are you thinking Galvan?

"Whatever the reason I will try to understand. That's how much I love you Celine. Please don't leave me," nanlambot ang puso ko sa mga salita niya.

Parang naglaho lahat ng pangamba ko. Ganito ang epekto ni Galvan sa akim. Para bang siya lagi ang sagot sa mg bakit at paano ko. Mas lalo kong minahal si Galvan pero ang hirap ng sitwasyon ko ngayon.

I hugged him back.

"I won't leave you," he held my hand and looked into my eyes.

"Do you love me?"

Natigilan ako sa tanong na 'yon kahit pa 'oo' ang sagot ko. Aminado naman akong mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Galvan. But I am confused because of the situation.

Kahit pa sa panaginip ko lang nakikita si Mister alam kong mahal ko siya. May puwang siya sa puso ko. Pero kung iisipin ko namang si Jayden at si Mister ay iisa parang nababago ang damdamin ko. I don't know but my heart don't want to accept the fact.

If I really have feelings for Mister does it mean it is possible for me to love them both? Pwede ba 'yon? Mahal ko si Galvan. He is my present. Pero mahal ko rin naman si Mister even he's just a part of my past.

"You don't have to answer. I can still wait for you to love me too. Dinner?"

Napangiti ako sa sinabi ni Galvan. Ramdam kong naiintindihan niya ang sitwasyon ko sa ngayon. Napakabuti niya talaga. Minsan tuloy nakakahiyang kahit siya ang kasama ko pumapasok sa isip ko si Mister.

"You'll cook for me?" nasorpresang tanong ko.

"Ayaw mo ba?"

Natawa ako ng marahan sa tinanong niya. Bakit ko naman aayawan ang mahal kong 'to? I can't say 'no' to this wonderful man.

Buti na lang may ganitong pagkakataong nakalimutan ko ang problema. Thanks to this man. Ayokong isipin ang tungkol kay Jayden at Mister. Parang sasabog ang utak ko tuwing naiisip ko 'yon.

"Ang sarap mong magluto," compliment ko sa kanya.

"Masarap din ako," hindi ko inaasahang sasabihin niya 'yon kaya nabulunan ako.

Agad naman niya akong inalok ng tubig. He was enjoying it. Sa pagtawa pa lang niya alam kong isa ito sa mga trip niya. Pero sabagay kahit nga sa halik pa lang niya parang nililipad na ako sa langit. Ano pa kaya kung more than a kiss?

Hays! Ang dumi ng isip ko. Napakahalay mo Celine. Tumigil ka. Masyado kang maharot. After our dinner we went to my room. Wala naman si Kaye kaya napapasok ko siya nang walang inaalala at isa pa alam na rin naman ni Kaye ang tungkol sa aming dalawa ni Galvan.

"You will let me sleep here again?" he smiled mischievously.

"Sira! Magpapatulong lang sana ako."

Umupo ako sa study table at ini-on ang PC. First day ko pa lang tambak na agad. Ga-graduate pa ba ko nito? Hirap 'pag ganitong intern ka sa mga malalaking kompanya. Karamihan sa mga regulars panay utos sa interns. Mga tamad!

"Hindi ko kasi..." sandal akong natigilan ako nang paglingon ko'y ang lapit-lapit ng mukha ni Galvan sa akin.

Hindi ko mabilang kung ilang ulit akong napalunok. Ramdam ko ang bawat paghinga niya. I thought it is part of his game again but he is looking at the PC seriously.

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now