Chapter 47: The B

126 10 1
                                    

Celine POV

Last year ko na talaga sa high school. Gusto ko na makagraduate. Buti pa sila Galvan.

"Kaklase na natin sila Em at Kristell. Kaklase ko na ang inspiration ko," nakangiting sabi ni Kaye.

"Edi magsasawa kayo sa isa't isa kasi lagi kayong magkasama," sabay tawa.

"Ang sama mo Hannah Celine," hinampas niya pa ko. "Buti na yon kaysa sa LDR."

"Anong LDR? Nasa isang University lang kami ni Galvan kaya paanong LDR yon," tinawanan ko lang siya ulit.

"Si Kristen nandoon," doon ako natigilan. "Hahahaha ayoooooon. Iyon talaga ang Magic word. Speaking of. Nariyan na ang sundo mo," napangiti ako kay Galvan.

Kinuha ko ang gamit ko saka lumabas. Nakasunod sakin si Kaye. Pagdating namin sa canteen nandoon na sila Jayden, Kristell at Kristen.

Kahit alam ni Kristen na kami na ni Galvan ang awkward pa rin. Lalo na palaging tahimik si Kristen.

"Are you okay?" tanong ni Galvan kay Kristen.

"I'm fine," umupo na kami tsaka umorder.

Ilang araw na rin kaming magkasama pero sobrang nakakailang. Hindi kasi ako sanay na hindi tinatarayan ni Kristen.

Sakto naman ang pag dating nila Em at Kaye sa pagdating ng order namin.

"Ang girlfriend mo ata ang hindi okay," nagsimula na siya sa pagkain. Hindi niya man lang ako tiningnan.

"H-ha? Okay lang ako," sagot ko naman saka kumain na rin.

"Gusto mo ng palabok?" lalagyan sana ni Galvan ang plato ko nang magsalita si Kristen.

"She has allergy with shrimp," pati sila Kaye natigilan sa pagkain.

"Oh sorry. I didn't knew," inilayo ni Galvan ang palabok.

"Paano mo nalaman na may allergy si Celine sa hipon?" tanong ni Kaye sa kanya.

Only Kaye and my family knew about it kaya nakakapagtaka nga naman talaga na alam ni Kristen ang about doon.

She laughed.

"I just guessed. Marami naman talagang allergic sa 'hipon' diba?" diniinan niya talaga ang pagkakasabi ng hipon. That's the real her. Bitchy Kristen.

"Oo. Si dad may allergy rin sa hipon," sabi naman ni Kristell.

"Mika is also allergic with mostly seafoods," sabi ni Galvan.

After namin kumain pumunta na kami sa building namin.

"Bait na ni Kristen sayo," sabi ni Kaye. I smiled kahit na sa isip ko duda ako sa ikinikilos ni Kristen.

Pagkatapos ng klase dumiretso muna ako sa mall. Wala na kasing laman ang ref namin. Hindi ko rin naman makasama si Kaye kasi nga may date sila ni Em niya. Si Galvan naman alas sais pa ang out.

Sa sobrang pag-iisip ko may nakabangga sakin na babae.

"OH My God! Look what you've done! Nadumihan tuloy ang dress ko! Ang mahal mahal pa naman nito! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" bulyaw sa akin ng babae. "You should-"

"Ang cheap na ng dress mo ang cheap pa ng ugali mo. At ikaw ang nakabangga you should learn some manners," nagulat ako sa pag pagitna ni Kristen.

Hindi ba siya pumasok? Alas sais pa ang out nila a.

"Sino ka ba? Bakit ka ba nakikialam?"

"I'm her one and only enemy. Ako lang ang may karapatan para awayin siya so stop bragging about your cheap dress that even a pauper can afford. Kaya layas ka na," naiinis na umalis ang babae.

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now