Chapter 3: The Jealous Wife

388 48 27
                                    

Jayden POV

Naiinis ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ako ang dahilan bakit sumakit ang ulo ni Hannah. Ayokong masaktan siya. Nasasaktan ako 'pag nakikita kong nasasaktan siya. Kanina parang hindi ako makahinga habang nakikita siyang hawak ang ulo niya. She was in pain.

"Anong nangyari sa best friend ko?" tanong ni Kaye sa akin.

"Ano na naman ang ginawa mo bro?"

Gusto kong sabihin kay Em-Em na wala akong kasalanan pero alam ko mahihirapan lang ako. Kahit pa magpaliwanag ako alam kong iisipin nilang ako pa rin ang dahilan. Explaining would be meaningless. Naunang pumasok si Kaye sa room ni bubwit. Ayokong pumasok sa kwartong 'yon.

"Bro alam ko ang ginagawa mo. Alam namin ni Kaye na hindi kayo pumasok. Sana 'wag mong masamain pero sana isipin mo naman si Hannah. Alam ko ang gusto mong mangyari pero sana 'wag mo siyang pilitin," pagkatapos sabihin 'yon ay pumasok na rin siya ng room ni bubwit.

Ganoon ba talaga ako?

Bakit ba hindi ko pwedeng magustuhan si Hannah Celine?

Bakit ang bawal na mahalin siya ay ginagawa ko na?




Celine POV

Pagmulat ko ay nakita ko sina Kaye at Em. Nasaan si Jayden? Bakit wala siya? Nasa hospital pa rin pala ako. But Jayden's not around.

"Nasaan si Jayden?" tanong ko sa kanila.

"Masyadokang maraming iniisip ayon tuloy nagkamigraine ka sabi ng doktor. Magpahinga ka na muna Kleng," sagot ni Kaye sa akin. Hindi naman 'yon ang sagot sa tanong ko a.

"Bibili muna kami ng pagkain ha," sabi naman ni Em-Em.

Hindi pa nga ako nakasagot umalis na sila. Haaaay! Mag-isa na lang tuloy ako dito sa kwartong 'to. Ayoko pa naman dito. Nasaan ba kasi si Jayden? Biglang bumukas ang pinto. Akala ko si Jayden na.

Si Galvan!

Anong ginagawa niya rito?

"Kamusta ka?" tanong niya. Nakaupo siya ngayon malapit sa akin. Ang awkward dahil ang lapit ng mukha namin o sadyang malisyosa lang ako?

"O-okay lang n-naman ako. Teka bakit nandito ka?"

"Pag-aari ni Dad ang hospital na 'to Ms. Hannah Celine. But since I am also aiming to become a doctor then I can say I'm your doctor.... soon," mas inilapit niya pa ang mukha niya sa akin.

"A-ah...hahaha...sa inyo p-pala ang h-hospital na 'to," naiilang talaga ako sa ginagawa niyang paglapit.

"Namumutla ka yata Ms. Hannah Celine. Anong problema?" one inch na lang talaga mahahalikan niya na ako. Ano bang ginagawa niya?

"H-ha? A-ayos lang t-talaga ako," napapikit na lang ako. Ayoko talaga ng mga ganitong scene.

"Sigurado ka? Sige Ms. Hannah Celine aalis na ako."

"WAIT!"

A-akala ko i-inilayo niya na ang m-mukha niya p-pero m-malapit pa rin pala. A-at dahil sa k-katangahan ko p-para tuloy a-akong desperada.

I KISSED HIM.

NO! It's just an accident. Pero bakit hindi pa ako lumalayo? Nagulat siguro si Galvan sa nangyari kaya lumayo siya. God! Hannah Celine ano bang ginagawa mo?

"I'm sorry."

"S-sorry!"

Sabay pa kami ni Galvan sa pagsalita. Nakakahiya! Dapat maiba ko ang sitawasyon. Ang awkward naming dalawa. Kahit siya hindi makapaniwala.

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now