Chapter 8: The First Love

233 46 1
                                    

Galvan POV

"Charence."

I glance at Kristell as she called for me. Kakarating niya lang ng bansa mula sa fashion week na pinuntahan niya.

"Hm?" nagpatuloy lang ako sa pagtatype ng report.

"Hindi niyo ba talaga dadalawin si Kristen? I called Jayden and Em," I stopped typing.

"Pupunta ako."

"Really?"

She's really happy that I will be going to Kristen.

"Can I even say no?"

"Thank you talaga Charence! Buti ka pa pupunta. Ayaw kasi ni Jayden. Nakakainis siya. Anyway, mauna na 'ko ha?"

Kristell and I are childhood friends along with Jayden, Kristen, Mika, and Em. Kristen is older sister of Kristell.

"Doc sa inyo po ba 'to?" tanong ni nurse Kim habang hawak ang isang susi.

I almost forgot.

"Ah yes. Thank you nurse Kim."

"Welcome Doc! Basta kayo po."

I grab my suitcase at lumabas na ng GMH. Ang daming pasyente ngayon. Hindi na nga kami nagkita ni Dad sa sobrang busy niya.

Pagod ako ngayon kaya naiisipan ko munang mag-stay sa isang convenient store. Parang naubos lahat ng lakas ko kanina sa hospital. Nga pala may tatapusin pa akong file.

"Galvan!"

That voice. Hindi nga ako nagkamali. Si Celine nga ang tumawag ng pangalan ko. Lumapit siya sa akin.

"Kamusta? Akala ko ba second name bakit Galvan pa rin?"

"Mas gusto ko ang Galvan," ang ganda niya talaga pag nakangiti.

"Gusto mo ang Galvan? You mean you like me?"

"Magpinsan nga kayo ni maw. Pareho kayong assuming."

Akala ko pa naman mapapaniwala ko siya. She's so cute. Bumili na rin siya ng pagkain at sinamahan ako.

"Ano ba 'yang ginagawa mo?" tanong naman niya habang sinusukang tingnan ang tina-type ko.

"Proposal ko sayo," sagot ko naman sabay ngiti sa kanya.

"Hala Galvan ha! Hindi mo pa nga magawa ang panliligaw mo proposal na agad," napasimango pa siya.

Natawa ako sa sinabi niya. Mukhang hindi niya kinalimutan ang sinabi kong liligawan ko siya.

"I'm just-"

"-kidding? Kidding na naman?"

Hindi ko maiwasang hindi matawa sa reaction niya. This girl is really full of humor.

Natawa tuloy ako sa sinabi niya. Please... Don't make me fall for you Celine...




Celine POV

Bakit ganoon? Kung kailan na wala na doon pa maiisip ang halaga? Kung agad lang sanang nalaman.

"Anong arte 'yan Hannah Celine?" tanong ni Kaye.

"Kakatapos ko lang sa Scarlet Heart. Bakit 'di mo sinabi sa akin na ganoon ang ending?!" naiiyak pa rin talaga ako.

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now