Chapter 54: The Possessive

126 13 0
                                    

Celine POV

Nabobored na talaga ako. Kahit pa sabihing kasama ko si Kurt. Gusto kong mag-aral kaso ayaw rin naman nila mommy lalong lalo na ni mister. Ewan ko ba sa kanila sobrang kabado sila na baka may mangyaring masama sakin.

Minsan nga pinapauwi ko nalang si Kurt para makapasyal ako. Tulad ngayon. Pero solo flight ako. May pasok kasi silang lahat kaya ako lang mag-isa.

Si Jayden kaya?

Nagshift kasi yon. Balak kasi ng tito ni mister na daddy ni Jayden na mag business management nalang siya.Kaya we have the same course. Pero panay balik siya. Hindi niya maipasa. Ganoon siguro kung hindi mo gusto ang kurso mo.

Speaking of. Sa wakas nasagot na niya ang tawag.

"Mmm?" bungad niya.

"Nasaan ka?"

"Sa bahay. Bakit? Kakagising ko lang," baliw talaga. Hindi naman 'to pumasok.

"Sira! Absent ka nanaman. Magagalit nanaman sila Prof sayo niyan," buti nalang nasa dugo ng mga Galvan ang pagiging mabait. Hindi nagalit ang daddy niya sa kanya.

"Para namang makakapasa ako kung papasok ako palagi," natawa ako sa sinabi niya.

Sabagay papasok lang naman siya para i-zero ang exam nila.

"Nasa mall ako ngayon. Wala akong kasama," sana samahan niya ako.

"Samahan na kita," sabi na e.

"Talaga? Thank you!"

I ended the call at itinext sa kanya ang location ko.

Jayden POV

After tumawag ni Celine tumawag naman si Kristen. Bakit naman kaya napatawag 'to?

"Yes Uno?" panigurado maiinis na naman siya.

"I went to GU. Wala ka. Ano nalang sasabihin ko kay Tito pag nalaman niyang absent ka nanaman? At pwede ba wag mo kong tawaging Uno," unlike Renz hindi muna tumuloy si Kristen sa medicine.

I smiled.

Nag-aalala siya para sa akin.

"Concern ka na sa akin ngayon? At endearment ko sayo ang Uno unless gusto mo 'baby'," then I laughed.

"Pumasok ka ngayon!" inilayo ko ng konti ang phone sa tenga ko sa sobrang lakas ng boses niya.

Napakabossy talaga ng babaeng 'to.

"Uno akong bahala kay papa. We'll meet later," gusto kasi ni papa na magdinner kami kasama ang family nila Renz at Kristen.

"But... okay fine. Pupunta nalang ako ng bahay niyo."

"May lakad ako. I'll meet Celine," gustong gusto talaga niya akong makita.

"Sinong Celine? Ow.. the married one? At bakit naman kayo magkikita? As far as I remember hindi yon nakakalabas ng bahay nila ni Chan," she sounds jealous.

"Nagseselos ka ba sa kanya Uno?" panunukso ko sa kanya.

"W-what? ME? Jealous? With her? Dream on Jayden. Why would I? Ang sa akin lang may asawa na siya," ang sakit naman ng banat niya.

"Are you still into Renz?" nasira niya ang mood ko sa sinabi niya.

Kahit pala kasal sila Renz at Celine si Renz pa rin ang gusto niya. Nakakainis lang.

"Are you into Celine?"

What?

"Ofcourse not! She's married with my cousin Uno. Ganoon ba ako sa paningin mo?" paano naman niya naisip na may gusto ako kay Celine? Ibang klase.

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now