Chapter 58: The Betrayal

121 13 0
                                    

Kaye POV

Hindi ko maintindihan ang nangyayari kay Celine. Para bang nagbago siya. I can sense it.

"Maw samahan mo ko mamaya ha? Wala na kasing laman ang ref namin," nakakapanibago pati ang pag ngiti niya kay Jayden.

"Sasamahan kita," napalingon sila sa sinabi ko.

Bumisita kasi kami sa bahay nila. Ilang beses na kaming nagkasabay ni Jayden papunta rito.

"H-ha?" she's acting weird.

"Sasamahan ka naman pala ni Kaye e," sabi naman ni Jayden.

"P-pero kasi... S-sige," what's wrong with her?

Pagkaalis ni Jayden kinausap ko si Celine. Kilala ko siya. I knew her for a long time kaya malalaman at malalaman ko kung may nagbago sa kanya.

"N-nakakatakot naman yang t-titig mo," may mali talaga.

"Mas nakakatakot ang kinikilos mo. Tell me now," sabi ko.

Nag-aalinlangan siya. She looked tense. Ano bang nangyayari sa kanya? Nag-away ba sila ni Renz?

"I t-think... I t-think I'm i-inlove," matagal na naman diba?

"I know. Alam ko-"

"With J-jayden," natigilan ako.

Hindi ako makaimik. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Ano ulit ang sinabi mo?" baka kasi mali lang ang pandinig ko.

"I think I'm inlove with Jayden," parang hindi nagsisink in sa isip ko.

"Nahihibang ka na ba Hannah Celine?!" she's really insane.

"Oo. N-nahihibang na nga ata a-ako," I really want to knock her head.

"Kailan pa yan?"

Hindi siya sumagot. Patuloy lang siya sa pag iyak. I'm really pissed.

"Sagutin mo Celine. Kailan pa yan?"

"N-noong bago umalis s-si mister," bigla akong nakaramdam ng inis kay Celine.

"Sa sobrang ikli ng panahon Celine nasabi mong mahal mo siya?! My God Celine you are married!"

Hindi siya sumagot.

"Pigilan mo yan Celine kung hindi ako mismo ang magsasabi kay Renz," umalis na ko pagkatapos sabihin iyon.

Ayokong maging unfair kay Renz dahil lang sa mas malapit si Celine sa akin kaysa sa kanya.

Jayden POV

Dumaan ako kina Kristen. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako ganito. I want to see her. I want hug her. I want to tell her how much I love her.

"Jayden?" buti nalang at pinagbuksan ako agad ni Kristell.

"Napadalaw lang," pinilit kong mapangiti.

Pinatuloy niya ako. Ilang beses na rin naman ako nakapunta rito.

"Gusto mo bang pumunta sa kwarto niya?" alok ni Kristell.

Ni isang beses hindi pa ako nakapasok sa kwarto niya. It would be the first time.

Nagpaiwan ako kay Kristell. Napangiti ako. Sobrang linis ng kwarto niya. Pambabae nga naman talaga.

Binuksan ko ang cabinet niya. Kahit sa mga damit niya mapili talaga siya.

Napansin ang kahon sa loob ng cabinet niya. Kinuha ko iyon at dinala sa kama. Umupo ako't binasa ang nakasulat sa takip ng box.

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now