Chapter 14: The Practice

204 42 0
                                    

Celine POV

Sabi ni Galvan kagabi hintayin ko siya pero bakit ba wala pa rin siya? Baka ma-late pa ako kaya naglakad na lang ako.

"Celine!"

May biglang tumigil na sasakyan. It's Galvan's car. Napatingin naman ako kung sino ang nasa driver seat kasi hindi siya ang tumawag sa akin. Mikaela?

"Bakit ka nandito? Nasaan si Galvan?"

"I was asked by some doctor-in-the-making. Get in!"

Nagulat ako sa pagsigaw niya kaya't napasakay ako agad. Mabilis niyang pinatakbo ang kotse. Papatayin niya ata ako sa kaba.

"Nasaan si Galvan?" tanong ko ulit kay Mikaela pero wala siyang imik.

Bakit ba walang emosyon ang babaeng 'to? Kapatid ba talaga ni Galvan 'to? Pero 'pag si Seb naman ang kasama niya o si Galvan napakabibo naman. Or galit siya sa akin?

"He's at the hospital. As usual he's busy helping Dad," ano pa ba ang maeexpect ko sa isang butihing anak? "Why? You missed him already?"

Bigla akong namula sa sinabi ni Mikaela. Hindi naman kasi sa namiss ko si Galvan. Sabi niya kasi siya ang sususndo sa akin. Pero partly na rin, namiss ko nga siya.

"Hindi siya magpapractice?" tanong ko.

"So you are not informed. He will not join the contest."

Itinigil ni Mikaela ang kotse. Hindi ko napansin na nandito na pala kami sa university. Sabi niya hindi sasali si Galvan?

Bago pa ako makababa muling nagsalita si Mikaela.

"My brother's not a student here. He isn't qualified to join. Well, he's still going to the contest but as a judge so good luck. Bye!"

Ilang minuto rin akong nakatayo sa harap ng gate. Kung hindi sasali si Galvan sino ang magiging partner ko?

"Hoy bubwit kanina pa kami nagpapractice wala ka bang balak sumali?"

Kinabahan ako bigla nang marinig ko ang boses na 'yon. Don't tell me si maw ang partner ko?

"K-kasali ka?"

Bakit siya pa? Ang dami ko namang ibang kaklase. What should I do? He confessed to me! Alam niyo ba kung ano ka awkward 'yon? At isa pa si Galvan ang isa sa mga judges. Lumapit siya sa akin. Inayos niya ang buhok ko.

"Yes. Kaya halika ka na. I can't be a king without my queen," hinawakan niya ang kamay ko kaya't para tuloy kaming magkaholding hands papuntang gymnasium.

Noon okay lang na gawin namin 'to kasi magkaibigan lang naman kami. Walang malisya. Okay lang sa akin. Bakit kasi noon na crush ko pa siya hindi siya nagconfess?

Nagpapractice na ang ibang kasali sa contest. Bakit may ganoon sa production? Magpapakilala lang bakit kailangan nakahawak sa bewang? Nasa backstage kami ni maw. Kami na ang susunod. Bahala na si batman.

Ilang ulit din namin prinactice 'yong production number buti na lang patawa 'tong si maw. Medyo 'di na awkward. Hindi ako masyadong nailang.

"Let's have a five minutes break," sabi ni baklang choreographer.

Kinuha ko 'yong water ko at uminom dahil sobrang nakakapagod talaga pero biglang kinuha ni maw 'yong bottle at uminom din do'n.

Indirect kiss!

Haaays! Ano bang iniisip mo Hannah Celine? Tandaan mo may B ka na. Gusto mo bang mawalan ng doktor sa future mo?

Kinuha ko 'yong phone ko at chineck bawat message pero wala talagang text si Galvan. I texted him.

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now