Chapter 23: The Birthday Celebration

167 36 0
                                    

Galvan POV

Tumambay muna kami bago pumasok sa next class namin.

"You know Kuya? It's so irritating to see you smiling," kakarating lang ng babaeng 'to pero nagiging tigre agad.

"What's wrong with smiling?"

"Hindi na ata ako ang gusto ni Chan," natawa ako sa sinabi ni Kristen.

"Feel mo talagang ikaw ang first love ni Renz," sabi ni Kristell habang nag-aayos ng gamit niya.

Kristell and Em are both second year students. Kasabay nila si Hannah Celine. While Jayden, Kristen and I are third year students and my dearest sister is studying abroad. She just went home for my birthday. Money spender.

"Have you forgotten? We're childhood sweethearts. 'Di ba Chan?" depensa ni Kristen.

She is still believing that. We've been together for years and she always says that we're childhood sweethearts.

"I don't think I remember- aray!"

I was supposed to oppose but she stated beating me. Nagiging sadista na ata ang babaeng 'to. Natawa pa talaga sila Jayden, Em, at Kristell. Mga mapanakit na kaibigan.

"Gusto mo matuluyan? 'Wag na lang pala baka maiyak ka kung mawala lahat ng alaala mo."

Napakasadista talaga niya. Paano na lang siya liligawan ng mga nagkakagusto sa kanya kung ganito siya. Oh I forgot. Wala nga palang nagkakagusto sa kanya.

"Her name is Hannah Celine Romero," sabi ni Mika.

Wala talagang hindi alam 'tong kapatid ko. Kahit nasa ibang bansa alam na alam mga bagay-bagay na may kinalaman sa akin.

"Kapangalan ko pa talaga ang pinili mo Chan ha. 'Di kaya ako talaga ang gusto mo?"

Sabi na e. Kaya hindi ko sinasabi sa kanila ang tungkol kay Hannah Celine dahil siguradong may masasabi talaga itong Kristen na 'to.

"Ang ingay mo," sabi naman ni Jayden sa kanya.

"Pati ba naman ikaw Jayden!"

"Whoever the girl I will always support you. Goodluck Kuya!"

That's what I love about my sister. She's very supportive. Just wait for some time and I'll really introduce her to you my sister.

Celine POV

Iniisip ko ang inaalok ni Mister President sa akin. Hindi kaya nagbibiro lang 'yon? Baka naman pagtripan niya lang ako.

"Uuwi ka na agad? Oo nga pala birthday mo ngayon. Samahan kita magcelebrate. Wait! May iba ka bang plano?" nagtatakang tanong ni Kaye nang mapansing nagmamadali ako.

Kakatapos lang ng last period namin. Ayoko namang sabihin sa kanya na sisiputin ko si Mister President.

"H-ha? May p-pupuntahan pa k-kasi ako."

"Talaga? Saan naman... Ah! May date kayo-" tinakpan ko agad ang bibig ng madaldal na Kaye na 'to.

"Hindi 'yon date! Sabi niya pagsinamahan ko siya titigilan niya na ako bukas. Alam mo naman na-"

"Sa kakaexplain mo Hannah Celine konting-konti na lang iisipin kong nalove at first sight ka doon," hindi ko na lang siya pinansain at kinuha ko ang bag ko. "Enjoy Hannah Celine!"

Binilisan ko ang paglalakad. It's 4:30 already. Baka gabihin kami. Nakita ko siyang nakasandal sa kotse. Sa kanya ba 'yan? Sabagay anak siya ng may-ari ng university na 'to malamang sa malamang mayaman siya. Tsk! Tsk!

MIDNIGHT KISS Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon