Chapter 49: The Anniversary

109 14 0
                                    

Celine POV

"Celine!"

Jayden?

Hinihingal siyang lumapit sa akin. Bakit ba kasi siya tumatakbo?

"Akala ko ba 6 pa ang out niyo?" tanong ko sa kanya.

"Anong 6?" nagtatakang tanong niya.

Sabi ni Galvan 6 ang uwi nila.

"Sabi ni Galvan kasi alas sais pa ang labas niyo," parang kinabahan ako sa malalaman ko.

Hindi naman siguro nagsisinungaling si Galvan.

"Sabay lang uwi natin. Hanggang 5 pm lang ang chemistry namin," hanggang alas singko lang?

"Pero kasi... Si Galvan? Bakit hindi mo siya kasama?" tanong ko kay Jayden. Ayokong pag isipan ng kung anu-ano si Galvan.

"Iyon nga rin sana ang itatanong ko. After ka niya kasing ihatid kanina hindi na siya pumasok sa klase namin," natigilan ako sa sinabi ni Jayden.

Pero bakit sabi ni Galvan... nagsisinungaling ba siya?

"Susubukan kong tawagan siya," nanatili akong kalmado.

Ayokong paghinalaan si Galvan. Ayokong mag isip ng negatibo nang hindi ko pa naririnig ang paliwanag niya.

Tinawagan ko ang number niya. Buti nalang at sinagot niya rin naman agad.

"Yes B?" bungad niya sakin.

"N-nasaan ka?" parang ayokong marinig ang isasagot niya.

"I'm home B. Dumating kasi si Mika. Hindi ko nasabi sayo. Sinundo ko kanina sa airport. Hindi na nga ako nakapasok. Uwian niyo na ba?"

Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya. Buti nalang. Buti nalang at nagtiwala ako.

"Are you okay B?" tanong niya.

"Okay lang ako," masaya lang ako kasi nga hindi siya nagsisinungaling.

"Pupunta nalang ako mamaya sa bahay niyo. Sorry B I really have to end this call. Tinatawag na kasi ako ni Mika."

"Sure," he ended the call.

Tumingin ko kay Jayden na pigil sa pagtawa. Hindi kaya...

"Alam mo?!" naiinis kong tanong sa kanya.

Pinagtitripan niya ako.

"Sinabi ni Renz kanina sa canteen. Nakita mo pa nga di ba?" kanina?

Iyon ang ibinulong niya?!

"Yung b-bumulong siya s-sa inyo Em? Akala ko..." ang sabi niya tungkol sa halik ang ibinulong niya.

"Oo. Bakit? May iba pa ba siyang dapat na ibulong sa amin?" nanunudyong tanong ni Jayden.

Tamang hinala talaga ang lalaking 'to.

"Wala!" nagpatuloy na ko sa paglalakad.

Sumunod naman siya sa akin.

"Pikon talaga. Ang cute mo," hinarap ko siya. Pangiti ngiti pa siya.

"Type mo ba ako? Kasi hindi pwede. Girlfriend ako ng bestfriend mo okay?" hindi ko na hinintay na sumagot siya. Nagmadali akong naglakad para makauwi.

"Ay! Assuming rin. Hannah rin ang gusto ko pero Kristen ang karugtong. Sungit mo talaga. Tutulungan pa naman sana kita sa anniversary niyo ni Renz," doon ako tumigil at hinintay na makasabay siya.

"Naaaay..Patay na patay kay Renz," pang-aasar niya.

"H-hindi ah!" pag tanggi ko.

"Sabi mo e. Ano bang plano mo?" Pag iiba niya sa usapan. Buti naman at nakaramdam siya.

MIDNIGHT KISS Season IWhere stories live. Discover now