Prologue

1.7K 45 3
                                    

"WHAT?! It can't be. AYOKO! Tingnan niyo siya! I-isa siyang bata!" Pag proprotesta ko. Ipakasal ba naman ako sa isang bata.

"Dom, bata ka din." Seryosong saad ni dad.

"Pero, hindi ganyan ka bata! Dad, look at her. She's..." Nag angat naman ng tingin ang batang kanina pa nagdra-drawing sa harap ng hapag kainan. Okay, I admit it, she's cute but that's not the point. The point is I'm 15 years and that kid is just 8 years old.

"Yeah, she's innocent. Tanggap niya na may fiancee siyang, playboy, badboy, player, f*ckboy, bastos-"

"Yeah... Yeah... I know." Ginulo ko ang buhok ko. Hindi ako F*UCKBOY! Si Dad kasi sinisira ang image ko. "Nasaan ba ang mga magulang niyan?" Bumuntong hininga si Dad at umiling. Di ko alam anong ibig niyang sabihin. Bahala siya diyan.

"Mag usap muna kayo." Umalis si dad sa hapag kainan. Tiningnan ko naman ang batang hanggang ngayon ay gumuguhit parin. Pwede ko siya e bully. Para naman may pakinabang siya.

"Uy, bata. Anong pangalan mo?"

"Trisha." Sagot niya.

"Mmm... Ipakita mo nga sa akin ang drawing mo." Binigay naman niya sa akin. Okay... Di ko alam anong ginuguhit niya. Wala talaga akong ka arts-arts. Kaya nga mahina ako sa arts, eh. Pinunit ko yun at tinapon sa basurahan. "3 points." Ngumiti akong nakakaasar sa kanya. Iiyak na yan, iiyak na yan. Lumapit siya sa akin. Sinandal niya ang sarili niya sa lamesa habang ako nakaupo parin.

"Mister, alam mo bang pinaghirapan ko yun?" Seryoso lang ang mukha niya. Hinila niya ang kwelyo ko papalapit sa kanya. "Huwag na huwag mo akong mamaliitin because I can make your life living hell. Nakatira palang tayo sa iisang bahay, sapat na ito para maiparanas sayo ang kagaguhan mo." Napakaseryoso niya. Tinawanan ko lang siya. Sa tingin niya makukuha ako doon. Nabigla ako kasi tumawa siya bigla.

"Oh? Nagtatawanan kayo? Bakit?"

"Wala po, tito. Ito po kasing anak niyong lalaki nagtapat na bading siya." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kanina lang napakaseryoso niya ngayon para na siyang isang masayahin at inosenteng bata

My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon