Kabanata 17: MATTER OF LIFE AND DEATH

968 160 17
                                    

"I will, if I could."

Alia's POV

The time has come. Tahimik kaming nakaupo ni Raven dito sa principal's office at hinihintay ang pagdating ng aming punong guro. Kasama namin dito ngayon ang kaniyang nakatayong sekritarya na inip na inip na at rinding rindi na dahil sa katahimikan dito sa loob ng office. Hindi naman kasi ako 'yung taong palasalita o 'di kaya nama'y 'yung taong magbibigay ng topic para tapusan ang isang nakakarinding katahimikan, maliban na lamang kung kailangan, at ganoon din ang katabi ko ngayon. Sa halos ilang minuto naming pag-iintay rito, wala akong ibang ginawa kundi tingnan at suriin ang buong paligid. May kalakihan itong silid at ang pagkakaayos ng mga gamit ay tama.

"Forgive me kung pinag-intay ko kayo ng matagal. I just had to finish some business," wika ng isang pamilyar na boses na tumapos sa kahimikan dito sa loob ng office. Hindi ko namalayan na dumating na pala ang aming principal.

Lumakad na siya patungo sa kaniyang desk at agad na umupo. Ngayon ay nasa unahan na namin siya at hindi na ako nagulat pa nang makita ko siya ng malapitan. Nakita ko na siya noon, noong mga araw na nalagay sa piligro ang buhay ko. Sa storage room. Naaalala ko pa ito dahil ito ang araw kung saan nagawa kong mapigilan ang isang pangyayaring hindi dapat, at masaya ako dahil nagawa ko ito.

Siya si Mrs. Roth, ang principal ng aming paaralan. Walang pinagbago ang kaniyang panlabas na anyo noong una ko siyang nakita. Siya ay may kulay kayumangging balat, maiksing buhok at nasa tapat 50's na, ang tanging gumugulo lamang sa aking isipan ngayon ay ang mga salitang kaniyang binitawan noon na, "Hindi nagkamali ang libro sa kaniyang napili" na ngayon ay wala pa ring mga kasagutan sa mga tanong na nabuo sa isip ko noon. Hindi man kami nagkaroon ng mahabang pag-uusap ni Mrs. Roth noon, ngunit ang mga salitang kaniyang binitawan ay nag-iwan ng malaking katanungan sa isip ko. Sino nga ba siya?

"Anyway, alam n'yo naman kung bakit ko kayo pinatawag, diba?" panimula niya.

Sabay naman kaming tumango ni Raven. "The guard called me last night dahil sa nangyari kahapon sa library, and the two of you were there." hinayaan na lamang muna namin siyang magsalita. "At ang pinagtataka ko nga lamang ay bakit naroon kayo ng mga ganoong oras," pagpapatuloy niya. "You also mentioned that you have a research, right?" wika niya sabay tingin sa akin kaya agad ko namang naalala ang pinagsasabi ko kahapon. "Pero mukhang nalimutan n'yo ata that senior highschool students at first sem doesn't have any research to be conducted," nakangiti nitong wika. Shit! Oo nga pala!

"And for the last time, I want you to answer my question. . . honestly. What are you doing to the library last night?" mahinahon nitong pagsasalita pero puno pa rin ng awtoridad. Hindi agad kami nakasagot ni Raven. Kung aming sasabihin ang totoo, malinaw pa sa sinag ng araw na hindi nila kami maiintindihan at sigurodo akong iyan din ang iniisip ng katabi ko ngayon, na hindi nila maiintindihan ang rason kung bakit nga ba kami naroon at hindi dapat nila iyong malaman.

"Ano? Tinatanong kayo ni Mrs. Roth," mataray na sabat ng sekretarya niya.

"Aileen," nakangiting wika ni Mrs. Roth sa sekretarya niya na kaniyang tinawag na Aileen, at binigyan ito ng tingin na nagsasabing 'Huwag kang mangealam' kaya napatahimik na lamang ito. Sa isa muling pagkakataon, muli siyang humarap sa amin at hinihintay ang aming sagot. Ayaw ko namang mag-isip siya ng masama tungkol sa amin kaya napagdisisyonan ko na lamang na magsalita kahit wala pa akong plano.

"We--"

"We're so sorry ma'am," sisimulan ko na sana nang biglang nagsalita si Raven kung kaya't wala akong ibang nagawa kundi tumigil. "To be honest with you, biktima lang ako rito."

The Mysterious Book Of Alia Madriana | COMPLETEDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora