Kabanata 7: TRAINING

309 27 2
                                    

| contained strong language

---

"OUR training will start today," sambit ni Nessine habang nakakrus ang dalawa niyang kamay. Naglalakad pa siya sa unahan na akala mo'y isang military commander at pinagsasabihan ang army niya.

"E, ano'ng ginagawa natin dito?" tamad na sabi ni Kieffer.

Nessine stopped and looked at him. "What do you think?"

"Magtatago-taguan?" Nessine make a face. "Gigibain 'tong closet?"

Actually, hindi ko rin mapunto kung bakit kami narito. Nasa gitna kami ng mga naglalakihang cabinet, mukhang closet nga gaya nang nasabi ni Kieffer. Nakatayo kami sa gitna nito at nilalakaran ang isang black carpet.

"Timang!" Sumingit si Andrew. "Wala ka bang brain? Malamang maglilinis-"

Natigilan siya sa kaniyang sasabihin nang mabilis siyang binatukan ni Kailra. "Alam n'yo, bagay kayong magsamang dalawa. Pareho kayong tanga."

"Nagbibiro lang..." Andrew pouted his lips. Nagpigil naman ako ng tawa nang makita kung paano pinandirian ni Kailra ang ekspresyon nito.

"So, why?" Raven's voice cracked the mood.

Muling naglakad si Nessine at tumapat sa isang cabinet. "This room contained different clothes." Binuksan niya ang cabinet. "Malaya kayong pumili ng damit na gagamitin n'yo. Kung saan kayo komportableng kumilos."

No'ng una'y nagkatitigan muna kaming lahat. May mga damit naman kami sa aming kwarto, pero dinala niya pa kami dito.

Sa huli ay naghiwa-hiwalay kami at kanya-kanyang nagbukas ng cabinet. Halos magningning naman ang mga mata ko nang makita ang ilang magarang kasuotan. Parang gusto ko na lang 'tong nakawin at iuwi.

"Holy fucking shit!"

Lahat kami'y nagkaroon ng kanya-kanyang reaksyon sa aming nakikita. This room is like a walk-in closet. Literal na puro damit lang ang makikita mo rito, walang kahit ano. Except for the shoes, belts, scarf, and so on.

"Pagmamay-ari rin ba 'to ng third division?" tanong ko habang nagbubuklat ng mga damit.

"Yes."

No wonder why. Mukhang mayaman talaga ang mga nilalang do'n. Siguro'y bulto-bulto ang pera nila at sagana sa salapi. Hindi ko maiwasang mapaisip kung marami bang ginto sa langit.

May ilang mga coat pa akong nakikita saka mga leather and animal coated na damit. Napag-alaman ko rin na puro pambabae itong nabuklat ko. Some were branded as shit. Shit talaga dahil 'yong iba, mukhang galing pang ibang bansa.

"Libre naman 'to?" pangungumpirma ni Andrew. Ang kapal ng mukha niya dahil sa aming lahat, siya 'yong nagsisimula nang magsukat ng damit. "Baka mamaya, scam pala 'to."

"I already told you, once you stepped in this place, you already have the access to use everything that's in here."

"Cool!"

Mabilis na kumilos si Andrew at naghalungkat ng mga damit. Gano'n na rin ang ginawa ng iba, mukhang abala na rin sila sa paghahanap ng p'wede nilang suotin.

Sa aming lahat, ako lang ata ang nag-aalinlangan. Mukhang napakamahal at napakahalaga ng mga damit, nakakahiyang gamitin. 'Yong sa iba mukhang matagal na, baka nga kasing edad na 'to ni Nessine. Kahit naman gano'n mukhang bago pa rin ang mga ito at hindi naluluma. They are not getting old, seems like they are immortals just like Nessine.

"How old is this?" Hindi ko mapigilang magtanong.

"Thousand and thousand of years."

Nagulat ako dahil sa kaniyang sinabi. Natigilan ako sa pagbubuklat at prinoseso ang sinabi niya.

The Mysterious Book Of Alia Madriana | COMPLETEDWhere stories live. Discover now