Kabanata 20: PAWN ATTACKING

220 15 11
                                    

ALL OF them stopped breathing when they heard a sudden noise from the stair. Each creak of the floor to the watchful silence was giving them a chill. Isang tao ang dahan-dahang naglalakad pababa ng hagdan.

It was a breath stopping moment. Halos malaglag ang kanilang panga nang tuluyan nilang makita ang taong iyon.

"Raven!" Mabilis na yumakap si Kailra. "Holy shit! Ikaw lang pala."

Gumaan naman bigla ang pakiramdam ng iba at nakahinga nang maluwag.

"Kailangang mahanap natin si Alia," sambit ni Raven sa pagitan ng kanilang mga yakap.

Kumawala si Kailra at isang ngiti ang kumawala sa kaniyang labi. "Yah... Let's go!"

Umakyat na sila sa ikalawang palapag. Kailra was leading the way. Their move was clear and sure as if it was calculated.

When they reached the second floor, they stopped at the moment. Two ways made them confuse also, don't know where to go.

"Sa'n tayo?" tanong ni Kieffer at bahagyang sinisilip ang madilim na pasilyo.

Kailra bit her lower lip. "I don't know."

She needed to make a decision as soon as possible. Inalala niya sa kaniyang isipan ang lahat ng nangyari noon sa lugar na ito, ang lahat ng angulo at lugar na kaniyang napuntahan. Hanggang sa tila naging mapa sa kaniyang isipan ang bawat sulok ng bahay.

"Let's go this way." Turo niya sa kaliwang bahagi. Aktong papasok na siya sa dilim nang matigilan siya dahil may nagsalita.

"Dito tayo," Raven commanded as he pointed his index finger to the opposite corner.

"No, we're going this way." Tinuro ni Harriela ang kabilang bahagi, salungat sa gusto ni Raven.

"Nakapunta na ako riyan, pero wala akong nakita."

Naningkit ang mata ni Kailra dahil hindi siya sanay sa paraan ng pananalita ni Raven. Kahit si Kieffer ay nangunot ang noo, maliban na lang kay Andrew na nagmamasid sa paligid.

"But I think I heard something here."

"'Yon ba 'yong tinutukoy mo kanina?" pagbabalik ni Andrew at tumango naman ang dalaga.

"Pero sinasabi ko, walang tao riyan. Masasayang lang ang oras natin."

"Maybe we can look for—"

"Bakit ba hindi kayo nakikinig?!" Tumaas ang kaniyang boses. "Sumunod na lang kayo."

Tumalikod na ito at nagsimulang maglakad sa kabilang bahagi. The others looked at each other. Their eyes seemed to have the same question.

"Let's just go."

Sinantabi na lamang nila ito dahil alam nilang nag-aalala lang ito kay Alia at gusto na nitong matangpuan ang kaibigan. Hindi naman nag-iisa si Raven dahil pati naman sila ay 'yon ang gustong mangyari.

Without making any trouble, they followed Raven.

"Pa'no mo nalaman that Alia was here?" Kailra began to asked, acting normal as usual while holding the candle with its fire.

"Sinundan ko siya."

"Mga anong oras?" She followed up.

"Hindi ko alam. Titingnan ko pa ba ang orasan bago sundan ang isang tao?" Raven glare at her as she nodded.

"Pero bakit hindi mo sinabi sa 'min? We can go here together without consuming so much time, if that's your reason—"

"Hindi ko alam kung ano ang plano niya. Hindi ko alam kung sa'n siya pupunta. Wala akong kasiguraduhan kaya sinundan ko siya para malaman. Kaya sabihin mo sa akin, kung ikaw ang nasa posisyon ko, pipiliin mo bang pakalwan ang isang bagay na sasagot sa mga katanungan mo?" His stares went deep.

The Mysterious Book Of Alia Madriana | COMPLETEDWhere stories live. Discover now