Kabanata 21: AFTER D' AVANT

216 20 22
                                    

ALL OF them met another shallow darkness as they entered the room. It kissed up their skin, seemed to hold them close with each other.

"Ano ba? Para naman kayong mga linta d'yan," mahinang sigaw ni Kailra sa dalawang kasama niya.

"Bakit kasi kailangan pa nating pumunta dito?" Andrew drew closer while roaming his eyes around.

Madilim ang lugar, tila mga bulag sila at tanging itim lang ang nakikita. Ang liwanag ng kandila na ngayon ay hawak ni Kailra ang siyang natatanging nagbibigay liwanag sa kanila.

Mabilis na tinapat ni Kailra ang kandila sa mukha ni Andrew kaya napaatras ang binata.

"Oh! Mag-ingat ka nga!"

"If you're gonna keep acting like that." Tinitigan niya si Andrew. "At ikaw." Turo naman niya kay Kieffer. "Mas lalo tayong mahihirapan. Everything will be more bullshit. So could you please... please isantabi n'yo na muna ang takot niyo?"

Kailra reached her limits. She didn't want to scold the two guys but they're getting into her nerves. Kung kanina'y natutuwa pa siya sa pang-aasar dito, ngayon ay naiinis na siya dahil imbis na mapadali ang paghahanap nila at makatulong ang dalawa, mas lalong napapatagal ang lahat.

"Hindi n'yo naman ikamamatay ang dilim eh. I'm pretty sure, hindi naman kayo takot sa multo. Lalaki kayo 'di ba?"

"Nang-aasar ka ba?" Kieffer titled his head and put his hands inside his pocket.

"Bakit naasar ka ba?"

Bigla na lamang umigting ang panga ni Kieffer. "Edi maghiwa-hiwalay tayo sa paghahanap dito," matapang na saad niya, tila naghahamon.

"That's a nice idea."

Sabay na tumalikod si Kieffer at Kailra sa isa't isa habang si Andrew ay naiwan sa posisyon niya at hindi alam ang gagawin.

He rubbed his hand together. "Kaya mo 'yan Drew, lalaki ka. Gwapo ka," pagbibigay motibasyon niya sa sarili.

They all began to search inside the room. Iba't ibang pwesto kung sa'n pinaghahati-hati ng shelves ang kanilang tinitingnan. Magkakalayo sila ng agwat, tila may galit sa isa't isa. Ang dalawang lalaki ay walang hawak na pailaw upang mas makita ang kanilang dinaraanan at tinitingnan. Tanging si Kailra lamang ay may kandila.

"Holy shit!" Kailra cursed when she dumped into something. Muntik pa siyang matumba kung hindi siya 'agad nakakapit sa kalapit na shelf.

Sandali siyang sumandal dito at hinilot ang paa. Pinaikot-ikot pa niya ito para maibsan ang sakit. Suddenly, some sort of wind blew the strands of her hair. She unconsciously raised her head.

What's that?

Isang malakas na pagkalampag ang kaniyang narinig sa gawing kaniyang tiningnan. Mabilis siyang tumakbo papunta ro'n. Nang makalapit-lapit ay binagalan niya ang takbo hanggang sa maglakad na siya upang 'di mapansin ang kaniyang presenya.

Nakakita siya ng puting tela, para itong isang kurtina na nakasabit. She has this feeling that there was someone in there.

Dahan-dahan siyang lumapit dito at pinatay ang kandilang hawak niya. Hinawakan niya ito at maingat na hinawi. Halos tumalon naman ang kaniyang puso nang bumungad sa kaniyang ang nakangiting mukha.

"Hell shit!" She shouted. "Ano'ng ginagawa mo diyan, Andrew?"

"Naghahanap?" tugon nito. Napahilamos na lang si Kailra sa kaniyang mukha.

"Kailra," tawag ni Kieffer. Hindi nila namalayan na nandito na rin si Kieffer.

Nag-iba ang tono ng kaniyang pananalita, tila nawala na ang takot na kanina ay halos sumagad na. Sa pagkakataong ito, hindi ang kadiliman ang nagbibigay takot at pangamba sa kaniya.

The Mysterious Book Of Alia Madriana | COMPLETEDWhere stories live. Discover now