Kabanata 14: OUT OF THE (S)HELL

251 19 5
                                    

I STOOD in front of a mirror, watching my reflection as if it wasn't showing not just my appearance but also my deeper soul. Looking at myself, wearing a leather jacket with simple white shirt inside and a black pants paired with black boots, I can't help but to smile.

Our time here has ended. Kasalukuyan na kaming naghahanda sa pag-alis namin para bumalik sa siyudad at makilala naman ang isang Develus. Sabi ni Nessine ay makakatulong daw 'to sa 'min para maibalik ulit ang libro sa 'kin.

Hindi ko alam kung sa'n siya nakatira or something, tanging sinabi ni Nessine ay nasa tagong lugar din 'to tumitira. May business daw 'to at saka na lamang naming malalaman kapag nakarating na kami.

Sa totoo lang, na-e-excite ako sa magaganap at the same time kinakabahan dahil hindi ko alam kung ano ang sasalubing sa 'min sa siyudad. Nagtatalo na naman ang nararamdaman ko.

"You're not alone, Alia," kumbinsi ko sa sarili ko.

Isang linggo na lang ang natitira kaya kailangan kong maging malakas at lakasan ang loob ko. Beside, para saan ang lahat ng pinagsanayan namin dito kung magpapakahina na naman ako.

I heard a knock from the door that caught my attention. I know one thing for sure, it was Nessine.

"Are you done? We're going! Baka gabihin na tayo."

Tumingin ako sa orasan para tingnan ang oras. Pumatak na ng alas dose ng hapon. Mahigit anim na oras ang ibabyahe namin dahil nga malayo ito sa siyudad.

Lahat kami ay tanghali nang gusing dahil sa nangyari kagabi. Dapat ay mas maaga kaming aalis ngayon para maaga ring makarating pero hindi 'yon nangyari.

"Tapos na!" sigaw ko pabalik.

"Okay. I'll prepare the van."

Inayos ko na ang sarili ko at sinukbit ang isang bag sa aking likod. Wala naman kaming dalang kahit ano at tanging mga damit lang. Saka no'ng pumunta kami dito, wala naman kaming bitbit na kahit ano. Ang mga gamit na dala namin ay hiram lang sa third division.

Lumabas na ako sa silid na nagsilbing tahanan ko. Saksi niya ang mga luha at hinanaing sa tuwing ako'y mag-iisa at sasapit ang gabi. I will never forget this place. Kung ano man ang mangyari, hindi ko na alam kung makakabalik pa kami dito kapag natapos na ang lahat.

"Ano? Para naming want mong dalhin din 'yang doorknob na 'yan." Nakaramdam ako ng pagtapik sa aking likod.

I laughed at her sarcastic joke. "Kung p'wede lang e," pagsakay ko sa biro niya at mahina siyang napatawa.

"Guys, ang sakit pa rin ng ulo ko. Hindi ata sapat 'yong tulog ko," kunyaring naiiyak na sabi ni Andrew habang hinihilot ang ulo niya.

Kieffer cussed hearing this. "Ang hina mo naman. Hindi man lang ako tinablahan no'n. Hindi man lang sumakit ang ulo ko."

All of us made a face as we heard those words coming from Kieffer. Hindi kami sumang-ayon sa sinabi nito. Nakakahiya naman na halos magkanda-tambling-tambling na siya kagabi. Nagsasayaw pa siya sa dagat at parang uto na tumatakbo habang sumisigaw na may pating daw na sumusunod sa kaniya.

Napasapo na lang ako sa noo ko.

"May ulo ka pala?" biro ni Kailra.

"May ulo pero walang isip."

Namilog ang aking mga nguso dahil sa sinabi ni Harriela. Napa-ohh na lang kaming lahat. Minsan talaga ay pabigla-bigla siya ng atake. Hindi mo aakalain na may tinatago pala siyang gano'n.

"Hoy ikaw na apat na mata!" Harriela looked at her blankly. "Anong sinabi mo?!" Mabilis na nangunot ang ulo ni Kieffer pero hindi na siya sinagot ni Harriela.

The Mysterious Book Of Alia Madriana | COMPLETEDWhere stories live. Discover now