Kabanata 27: TRUST IS DICEY

692 102 44
                                    

Confucius said, "Don't worry about being misunderstood but about understanding others."

Being able to understand people makes you wiser and mature and being able to understand people is healthy to your brain and emotion.

Naramdaman kong may liwanag na tumatama sa aking mga mata kung kaya’t dahan-dahan ko itong minulat at nakita kong mataas na ang sikat ng araw. Napabalikwas ako ng bangon at tiningnan ang aking mga kasama.

Wala na sila. Wala ng mga nakahiga sa mga katabi kong higaan. Nasaan sila? May activity ba ngayong araw? Bakit hindi nila ako ginising?

Hindi na ako naligo at naghilamos na lamang. Pinalitan ko lamang ang pantulog kong damit saka lumabas ng k’warto para hanapin sila.

Mabuti na lamang at hindi pa ulit umiilaw ang libro. Ibig sabihin lamang nito ay wala pang mangyayaring masama kaya nakakampante ako at makakapagfocus ako sa pagtulong kay Alexandra sa paghahanap sa nawawalang si Merika.

Nagkalat ang mga estudyante kaya nasisiguro kong wala ngayong activity. Ang iba’y mga nakapantulog lamang din habang nakatambay sa labas ng kani-kanilang k’warto.   Kaunti lang din ang naitulog ko dahil gabing gabi na kamang nakarating dito kahapon. Hindi din agad ako nakatulog dahil sa napakaraming tumatakbo sa isip ko.

Natigilan ako sa aking paglalakad ng isang lalaki ang humarang sa aking dinadaanan.

“Kieffer,” wika ko. Yeah, it’s him.

“Good morning,” bati niya sabay ngiti na nagpakaba sa akin. Naalala ko ang nangyari kahapon, hindi kaya nakita niya ako?

“Can I have a good morning too?”

“G-Good morning,” nauutal kong sabi na kinangisi niya. Damn! Bakit kinakabahan ako? Wala naman akong ginawa ah. Saka ano naman kung nakita niya ako? Nakita ko din naman siya at maari ko pa siyang isumbong sa ginawa niyang paninigarilyo dito sa loob. Pero kasi. . . iba ang pagtakas na ginawa ko.

Aktong aalis na ako ng muli niya akong hinarangan at ngayon ay hindi na ako natutuwa.

“What do you want?” iritado kong sabi. Ano ba kasing gusto niya? Kahit nakita niya ako at isumbong, wala naman siyang ibidensya, saka kasabwat ata namin si Mrs. Lory.

“What’s your name lady?” wika niya na naniningkit ang mga mata, acting like cool. Tsk!

“None of your business,” pabalang kong sagot at tinabig siya sa daan.

Napatigil naman ako sa aking paglalakad ng isang kamay ang humawak sa braso ko kaya napatingin ako roon.

“Ano?” tanong ko habang nagpipigil ng inis.

“Alia? Alia right?” nakangisi niyang sabi.

Nagulat naman ako sa kaniyang sinabi. Aktong ibubukas ko ang  bibig ko para itanong kung paano niya nalaman ng bigla na lamang siyang nagsalita.

“May nagpapabigay.” Then he hand me a piece of paper.

Kinuha ko naman ito at binasa ang nakasulat doon pero kumunot ang noon ko ng walang ideyang pumasok sa isip ko para malaman ang nais ipahiwatig nang nakasulat sa papel na ito.

“Ano—“ Natigilan ako sapagkat bigla na lamang nawala sa paningin ko si Kieffer. Hinanap ko siya sa buong paligid ngunit wala talaga akong makita miski anino niya.

Where did he go? Saka sino ang nagpapabigay nito? Anong ibig sabihin nito?

“Attention everyone. Please get ready for the next activity, thank you. Again, get ready for the next activity and proceed to the main hall, thank you.” Rinig kong anunsyo kaya dali-dali na akong nagtungo muli sa k’warto ko para maligo at magready.

The Mysterious Book Of Alia Madriana | COMPLETEDWhere stories live. Discover now