Kabanata 12: HIM AND HER

253 18 4
                                    

THE sun was strong enough to weaken my body even more. Due to the non-stop sequence of training, my body seemed like to collapse at any moment.

After the fifty round jogging, sampung sprint naman ang aming ginawa. Nagtungo rin kami sa mga jumping obstacle na talagang halos sukuan ko na. We also enhance our flexibility. After nito, nagkaroon muna ng kaunting pahinga.

Parang gusto ko na lang magkulong sa kwarto at pagpahinga. Parang lalagnatin na mahihimatay ako ng sobra. Mabuti na lang, ang sunod naming ginawa ay ang shooting. Medyo nakapagpahinga naman ako pero hindi 'yon do'n nagtatapos.

She gave us some thrill by shooting some moving objects. Wala nga ata akong natamaan miski isa ro'n. Panay daplis o minsan naman, napakalayo sa katotohanan.

"Towel?" He extended his arm as he offered.

Napatingin muna ako kaniya bago kinuha ang tuwalya. "Thanks."

Umupo na rin siya sa aking tabi at nagsimulang punasan ang kaniyang pawis. Binuksan niya ang tupperware na naglalaman ng tubig at ininom ito.

"Siguro last training na 'to," sambit ko habang nagpupunas ng pawis sa mukha.

"I also think about that."

Sa halos ilang linggo naming pinalagi rito at isang linggong training, marami akong natutunan na talagang dadalhin ko kung sa'n man ako mapunta. 'Yong mga alaala naming dito, hinding-hindi ko makakalimutan ang lahat ng 'yon.

Nakakalungkot ding isipin na matatapos na ang oras namin sa lugar na 'to. Dadating ang panahon na lilisanin na namin 'to at magiging isang alaala na lang.

"An' daya no'ng dalawa." Nagawa ko pang magreklamo.

Kailra at Andrew weren't able to attend our training because of their condition. Si Andrew pinapahinga pa niya ang kaniyang injury. Kahit gustong-gusto na niyang sumama sa 'min, hindi pumayag si Nessine at sa tingin ko, ayos na rin 'yon. Mas lalong matatagalan ang paggaling no'n kung magiging makulit siya.

Kailra's condistion wasn't critical. Akala nga naming ay makabandag na ahas ang kumagat sa kaniya, good thing it wasn't. Mga normal at hindi masyadong venomous lang ang nakasagupa namin. Pero kahit gano'n, kailangan niya rin itong ipahinga.

"I have no complains." Napatingin ako sa kaniya. "I get the chance to be your partner."

Madahan siyang lumingon sa gawi ko at tinigil ang pagpupunas ng kaniyang pawis. Hindi ko nagawang kumurap nang magsalubong ang tingin naming dalawa. Hindi ko na mamalayan na nakatingin na pala ako sa labi niya.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin. "What's next? Ano'ng sunod daw na gagawin natin?" pag-iiba ko ng usapan.

"Application ata."

Application, ang pinakaayaw ko sa lahat. Sa part na 'to, dito naming i-a-apply ang lahat ng natutunan namin. Katatapos lang kasi namin sa pag-aaral ng mga techniques ng combat martial arts at hinihintay na lang ang hudyat ni Nessine para makapagsimula.

"Up!"

And speaking of that, 'eto na nga.

Kaming dalawang pares nina Harriela ay sabay-sabay na tumayo. Siya at si Kieffer ang maglalaban samantalang kami naman ni Raven.

No'ng una parang ang unfair, nasabi ko pang dapat kami na lang ni Harriela— dalawang babae.

"Kailangan n'yo masanay sa lahat. Hindi porket babae kayo, hindi n'yo na kayang makipagsabayan sa mga lalaki. Show them the girl power."

Dahil sa sinabi niyang 'yon, sa huli ay sumang-ayon ako. Tama siya, hindi dapat minamaliit ang kakayahan naming mga babae. Siguro nga pinanganak na mas malakas ang mga lalaki pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi na rin namin kayang maging malakas.

The Mysterious Book Of Alia Madriana | COMPLETEDWhere stories live. Discover now