Kabanata 7: DEAD BODY

1.7K 266 88
                                    

Face of madman killed seventeen and ate them.

I SWITCH off my phone. I've been reading some weird articles lately. Inayos ko na lang ang pinaghigaan ko at naligo. Pagkatapos ay lumabas na ako sa aking k'warto para kumain ng umagahan na hihanda ni mama. Dala-dala ko na rin ang libro, para kung sakaling magliwanag man itong muli, mababasa ko na 'agad.

The night after it saved me, I kept it again. Hindi man sa pagiging marupok, nadala lang siguro ako ng emosyon ko kaya nagawa ko itong itapon.

"Alia," tawag ni mama. "Ngayon ka na ba talaga papasok?" Pinuno niya ng tubig ang aking baso kasunod ang madahan niyang pagpahid sa amusing pisngi ni Lian.

"Opo." Kinuha ko ang baso saka uminom. "It's almost a week since the classes resumed. Wala rin naman po akong gagawin dito sa bahay." Ngumiti ako. "Ayos na po ako. I think, one week is enough."

Both of my parents decided to let me rest for almost a week after everything that happened. Mas maganda raw na magpahinga na muna ako para bumalik ang lakas ko, physically lalong lalo na ang emosyon ko.

Patuloy pa rin kasi ako binabagabag ng panaginip ko. May time na nakikita ko ang mag-asawang Dilson, at may time rin na paulit-ulit kong napapaginipan ang nangyari n'ong gabing 'yon. Bumabalik ang lahat ng takot sa akin at 'yon din ang naging dahilan kung bakit hindi ako natutulog, natatakot ako na baka makita ko na naman siya, si Aliana Romes.

"If that's your decision, sige." Mom locked few strands of her hair behind her ear. "Mag-aral ng mabuti." Tumango akong bilang tugon kay mama.

"Ihahatid na kita," my father offered a ride.

Mabilis naman akong umiling. "'Wag na po, kaya ko na naman po."

I could see that another argument will be set on fire. My father's lips was slightly parted. Aktong magsasalita siya nang tumingin ako sa kaniya. Kinakausap siya ng mga tingin ko, pilit kinukumbinsi siya na huwag na. Few seconds after, he sighed, defeated.

"Just be safe, Aleng. Kung p'wede nga ikuha kita ng personal bodyguard, e. Para masigurong safe ka. There's a lot of uncertain here in the city."

Nagkatinginan kami ni mama kasunod ang mahina naming pagtawa. "Pa, ang OA."

After eating my breakfast, nagpaalam na ako kay na mama at papa pati na rin sa mga kapatid ko. Naglakad na lang ako palabas ng subdivision. Maaga pa naman. It's just around seven in the morning at eight pa ng umaga ang simula ng klase ko.

Gaya ng nakagawian, nakatayo ako at naghihintay ng tamang t'yempo para tumawid. Nasa kabilang side pa kasi ang sakayan. I hope starting today, they'll move it nearer.

As wheels passed in front of me, the wind it brought suddenly bring back the first time I stand here. Bigla kong naalala ang araw na nakita ko si Raven. I thought I was going to die that time but after hearing that one voice, his toneless smooth voice, and seeing those dark eyes below his obsidian-broad eyebrows, I died instantly without him knowing. Namatay ako nang wala man lang siyang ginagawa.

Napayakap ako sa sarili ko. "Kamusta na kaya s'ya?" tanong ko out of nowhere. "Sana magkita ulit kami." Nagpakawala ako nang malalim na paghinga kasabay nang pagdanggil ng isang lalaki sa balikat ko.

Nangunot ang noo ko nang hindi man lang ito humingi ng tawad. Nagpatuloy lang sa paglalakad na parang walang nangyari.

Walang kamalay-malay ay mabilis ko siyang hinabol. "Hoy!" Ngunit natigilan ako nang mamukhaan ko kung sino siya.

Raven...

Without any other reason, I stop again on my track. Sa pagtigil ko sa kalagitnaan ng daan, para na rin akong tumigil na mabuhay. I just watched the car as it made its way, helping me find the way to my death. My father was right, this city if full of uncertain.

The Mysterious Book Of Alia Madriana | COMPLETEDWhere stories live. Discover now