Kabanata 36: PECULIAR EYE

483 75 16
                                    

- PECULIAR​ EYE -

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

- PECULIAR​ EYE -

My eyes reflected the crystal light of the glass window in front of me. Kitang kita ko ang mabibilis na paghawi ng mga bagay, naglalakihang gusali at store maging ang mabibilis na sasakyan na tila sumasabay sa amin.

Marami na ring tao na nagkalat sa paligid, nakasuot ng kani-kanilang uniporme mapatrabaho man o pang-eskwelahan. As I looked at them, I see nothing but a normal and ordinary people, crossing along the way, breathing with value and living with purpose. They greeted the world with a smile, pero naroon ang katotohanang ang bagay na 'yon ay isa lamang malaking ilusyon.

Bumaling ang tingin ko sa malinis at mapayapang kalangitan. Mula sa itaas ay kitang-kita ko ang mapuputing ulap na sumasayaw sa alapaap na s'yang tumataklob sa sinag ng araw. Ang kalangitan ay punong puno ng malalambot na ulap na tila kinukulong ang mundo sa bisig nito. The clouds' formation seems following us. Kahit ilang kilomentrong kuwardrado pa ata ang takbuhin namin, patuloy lang kami nitong hahabulin nang walang pagod.

"A cloudy morning everyone! The world greeted us to today with its white broad clouds..."

The voice of a woman newscaster is the only thing that's making our atmosphere lively inside this car. Nagmumula ito sa CD player ng sasakyan na nakap'westo sa unahan.

No one dares to speak. Simula ata no'ng pumasok kami dito sa loob ay wala man lamang isang katiting na salita ang lumabas sa bibig namin. Tanging naririnig ko lamang ay ang maliit na tunog air-conditioned at malakas na tunog ang CD player. I can also smell the sweet mint of a lemon that's roaming around. Pakiramdam ko'y sa tuwing masisinghot ko 'to, nalalasahan ko na ang amoy nito.

"Don't look at me."

"I'm not looking at you."

I almost jump up when I heard them talking. My ears can't believe on what just happened.

"Really," singhap ng isa.

Nakatingin lamang ako sa dalawang taong nasa unahan ko. Sa kaliwang bahagi ko, nakaupo si Kieffer na malayang nagmamaneho at nakatigin sa unahan. Sa kanan ko naman ay prisenteng nakaupo si Harriela and guess what... she's reading again with her thick blue eyeglass. Hindi talaga maawat ang isang 'to sa pagbabasa.

"You're not a book that I am dying to look for," blanko at walang emosyon sabi ni Harriela.

Kung gaano kakulot ang buhok ni Kieffer, ganoon din ang ikinulot ng kaniyang noo nang lumingon sa gawi ni Harriela. "Are you comparing me to a fucking book?!" His veins are popping out.

Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang naging reaksyon niya at mukhang nainis siya kahit wala naman akong nakikitang mali sa sinabi ni Harriela. Kanina ko pa rin ito napapansin, para bang ang laki ng galit ng lalaking ito kay Harriela.

"If you say so. Makapal naman ang mukha mo kaya p'wede na."

Kieffer's face turned to red. His now throwing a dagger of gaze at Harriela, pero gusto kong matawa dahil mukhang walang epekto 'yon kay Harriela at kalmado pa ring nagbabasa.

The Mysterious Book Of Alia Madriana | COMPLETEDWhere stories live. Discover now