Kabanata 19: ON MOVE

201 21 23
                                    

THE night was dark and cold as ice when Kailra decided to go outside of their room. Hindi niya magawang makatulog dahil uminom siya ng kape. Para sa kaniya ay masyadong maaga pa rin para matulog.

She wanted to talk to Alia about their intention at the first place. She slowly knocked on her door, creating a small sound with a second interval.

"Alia," she called the name while knocking. "It's me Kailra. Gising ka pa ba?"

She waited for a minute but no one answered. Her forehead automatically wrinkled for this response.

Wala siyang ibang choice kundi ang buksan ng kusa ang pinto kahit walang pirmiso sa loob. Mabuti na lang at hindi ito nakakandado.

"Alia—" Natigilan siya nang walang nakitang tao sa loob.

Ine-expect niya'y natutulog na ito kaya hindi ito sumasagot. Laking pagtataka niya lalo nang madatnang walang tao sa loob. She explored her eyes at each corner of the room, not missing any dust... but there was none.

Napilitan siyang lumabas ng kwarto at maghanap naman sa iba't ibang sulok ng bahay. Una niya itong tiningnan sa sala sunod sa kusina at sa kung saan man siya dalhin ng kaniyang mga paa.

"Alia!"

"Alia?" She kept on saying as she opened another door but again, there was nothing.

Bumalik siya sa sala at nagpabalik-balik do'n habang nakahawak sa ibaba ng kaniyang baba, nag-iisip siya sa maari pang puntahan ni Alia. Though, she can't hide the fact that she didn't feel good about this missing act.

"Hoy!" Napatalon siya sa gulat nang may tumawag sa kaniya mula sa likod. "Ba't ang ingay-ingay mo?" inis na reklamo ni Kieffer.

"Gisingin mo 'yong iba. We have a problem," nababalisang saad niya. "Ay wait!"

Aktong tatalikod na si Kieffer nang matigilan siya. "Ano?!"

"'Wag mo munang gisingin sina Nessine. We're still not sure about this."

Tuluyang tumalikod si Kieffer habang umiiling-iling. Hindi man niya tukoy ang sinasabi ni Kailra, sinunod na lang niya ang bagay na 'to. Ginising niya ang iba at mayamaya pa'y lumabas na rin sila. Bumaba sila sa sala at do'n nagtipon-tipon.

"Si Raven?" Tiningnan ni Kailra isa-isa ang mga kaibigan niya. Napaiwas pa siya ng tingin dahil nakaboxer lang ang dalawang lalaki.

Naghikab muna si Andrew bago sumagot, "Wala sa kwarto."

"What?"

Her conclusion suddenly twisted. Muli siyang nauwi sa pag-iisip. Kung kanina'y si Alia lamang ang laman, ngayon ay pati si Raven ay nasama na sa mga tanong sa isip niya.

"Teka, ano ba talagang mayro'n? Tangina ang sarap na nang tulog ko ta's maririnig kitang nagsisisigaw d'yan."

"Look." She looked at each one of them. "Alia was not in her room."

Kieffer smirked. "Wala rin si Raven. Magkasama 'yon."

"Baka nag-de-date under the moonlight." Mahinang tumawa si Andrew sa biro niya. Nang makita niyang hindi tumawa ang iba ay napatikom na lang siya ng kaniyang bibig.

"No. I have a bad feeling about this."

"Nag-aalala ka kasi baka mamaya may kababalaghan ng nangyayari sa dalawa." Binagsak ni Kieffer ang katawan niya sa sofa.

"Hala! Bad nga 'yon!"

"No!" she shouted. Napahawak siya sa kaniyang sintido. "Let's check."

Kinapkap ni Kailra ang secret telecommunication na nakatabi sa bulsa ng kaniyang pants. Nagkatitigan naman ang dalawang lalaki sa ginagawa ni Kailra. Nang makita niya 'to ay 'agad niya ring sunuot.

The Mysterious Book Of Alia Madriana | COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant