Kabanata 22: MONSTROUS BETRAYAL

225 18 8
                                    

"I WILL wait you into our next life... a lifetime... I love you." He held my face and gently kissed the top of my head. "Be careful always."

Hindi na niya ako hinayaang makapagsalita at magtanong pa nang 'agad na siyang tumayo at hinila ako. The next thing happened, we found ourselves running towards to a particular place where we heard a loud sound.

Tumigil kami at inilibot ang mata sa paligid, nagtatalo kung sa'n kami pupunta.

"You're just living?! How about the others—"

"Fuck! Hindi ko kayang tumayo dito at intayin ang iba habang may namamatay sa 'tin!"

Nakarinig kami ng sigawan sa isang particular na kwarto kaya 'agad kaming tumakbo ni Raven papunta ro'n. We stopped right in front of the door.

"Ano'ng nagyayari?" bungad ko at nakita ko ang gulat sa kanilang mga mata.

"Alia!" Kailra immediately ran to my direction and gave me a warm embrace. "We've been looking for you. Ayos ka lang ba?"

Napangiti ako at niyakap siya pabalik. "Ayos lang ako."

Tiningnan ko rin si Andrew at nakita ko ang kaniyang ngiti ngunit may kakaiba ro'n. Naagaw din ng pansin ko ang chessboard na nakakalat sa sahig pero sinantabi ko na lang ang nakita ko.

Masaya akong makita sila at malamang ayos sila. Kahit papaano ay nawala ang takot at pangamba ko.

"Sa'n ka ba nagsisingit?" Kumawala siya ng yakap sa 'kin. Laking gulat naman niya nang makita ang nakabalot kong kamay. "What happened here?!"

Hinawakan ko ang aking kamay at tiningnan siya. "It doesn't matter. Mabuti na lang, nahanap ako ni Raven—"

"Ano mag-uusap na lang ba kayo d'yan?" Narinig ko ang boses ni Kieffer kaya mabilis akong napalingon sa gawi niya.

My mood suddenly swift the moment I saw the woman he was carrying. He was holding her so tight, ensuring that she won't fall and get hurt. But from here, I know that the woman was in deep pain. Kahit malayo ay kitang-kita ko ang pamumutla niya na malayong-malayo sa inaasahan ko.

My eyes widened and my arms began to tremble. I stepped closer and closer as my feeling began to weight like I was carrying the whole world.

"Harriela..." I whispered her name and held her frost like hand. Sobrang lamig ng mga ito at tinatalo ang init na unti-unting namumuo sa aking mata. "Ano'ng n-nangyari?" I looked at Kieffer.

"P'wede mo ba siyang hawakan?" pakiusap ni Kieffer at walang ano-ano akong tumango.

Binaba niya ang katawan ni Harriela na siya namang pag-alalay ko. Sa 'kin naman niya pinaubaya ito at pinagmasdan ang napakainosente niyang mukha habang nakapikit siya.

"May kailangan lang akong turuan." Huling sinabi ni Kieffer sa 'kin bago siya unti-unting naglakad.

Bahagyang kumunot ang nuo ko dahil sa sinabi niya pero sinantabi ko na lang 'yon. Gamit ang kamay ko ay hinawi ko ang ilang hibla ng buhok ni Harriela.

"Harriela?" I called her name but she kept her eyes shut, not responding at any call. "We need to get her to the hospital—"

"Kieffer!"

Natigilan ako sa aking sasabihin nang marinig ang malakas na sigaw ni Kailra. Mabilis akong napalingon sa gawi nila at nanlaki ang aking mga mata nang makitang nakahandusay na sa sahig si Raven.

"Putangina! Ang kapal ng mukha mong magpakita pa matapos ang ginawa mo!"

Hindi tumayo si Raven, miski umimik ay hindi niya ginawa. Nanatili siyang nakaupo sa sahig dala ng malakas na pagsuntok ni Kieffer. Kita ko rin kung paano niya hinawakan ang kaniyang panga at ang ginawa niyang pagpahid sa dugong lumabas sa kaniyang labi.

The Mysterious Book Of Alia Madriana | COMPLETEDWhere stories live. Discover now