Kabanata 5: BRAIN STORM

1.7K 302 80
                                    

- BRAIN STORM -

NAPATAKIP ako sa aking bibig dahil sa hindi ko inaasahang makita't malaman. Ang mga tuhod ko ay nanghina kung kaya't kusa na lamang akong natumba sa kinatatayuan ko habang nakapako ang aking mga mata sa isang bulto na hindi maawat ang pagtangis.

Ang dalawang taong mahalaga sa buhay niya ay mapayapang natutulog, walang kibo at walang buhay. Hindi maawat ang mga luhang pumapatak sa kaniyang mga mata sa mga oras na ito. Ramdam na ramdam ko rin ang bigat at kirot na kaniyang nararamdaman ngayon.

Naramdaman ko ang isang mainit na kamay na dumampi sa 'king braso at inalalayan akong tumayo.

Nanginginig pa rin ako, pero 'agad napawi 'yon nang paglingon ko ay nakita ko sina papa at mama na seryosong nakatingin sa akin. Nakaguhit ang pag-aalala sa kanilang mukha.

"Ayos ka lang ba 'nak?" Mom held both  side my face and caress it. "'Nak?"

Tumango ako bilang sagot. My heart went on rhythm again, sign of unexplained happiness. Ang kaninang 'di mapaliwanag na bagay na nakabara sa aking lalamunan ay naglaho na. Mabilis ko silang binigyan ng isang mainit na yakap.

Napahagulhol na lamang ako. "You're safe…" Mas lalo kong idiniin ang aking mukha sa balikat  ni mama. "I was so scared. Akala ko iniwan n'yo na kami."

An inaudible sound travelled to my ear. "Hindi kami aalis, Alia."

"Marami ka pang patutunayan na gusto naming makita ng mama mo, Aleng."

"Pero--" My bone crunched as I closed my fist. "Ang mga magulang ni R-Raven…"

"Every man's life ends the same way, Aleng." Naramdaman ko ang kamay ni papa sa aking buhok kaya napapikit na lamang ako. "It's going to be okay."

I admit na sobrang natutuwa ako nang makita ng mismo kong mga mata ang maayos na kalagayan nina mama at papa. They're alive. They are safe. Nagawa kong mabago ang nakasulat pero hindi ko lubusang maisip na ang kapalit ng kaayusan at kaligtasan nila ay ang buhay ng mga magulang ni Raven.

There's an explosion inside my mind. Naguguluhan ako sa mga nangyayari o  mismong sa nangyari. Paanong nabago ang nakatadhana? Paanong nangyaring ibang tao ang humarap ng trahedyang 'yon? Paanong nangyaring hindi natupad ang nakasaad sa misteryosong librong 'yon? 

Malinaw sa alaala ko  ang mga letrang nabasa ko. Wala akong nakalimutan kahit isa sa mga 'yon. Maliban na lang kung. . .

Nagbago ang nakasulat.

Ako ba ang dahilan?

Kailangan kong mahanap ang tuldok sa mga pananong. Isa lamang ang tanging paraan upang masagot ang aking mga tanong. Kailangan kong makita ang libro. Kailangan kong makita kung ang mga salitang nakita ko noong una sa petsang June fourteen ay  tahimik pa ring nakalatag sa isang pahinang iyon.

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay na mama at papa. "'Ma… 'Pa… I need to figure out something. Babalik rin po ako 'agad," paalam ko, seryoso ang tono ng pananalita.

Puno ng pagtataka ang binigay sa akin ni mama. "B-Bakit? Ano  'yon?"

"Basta, 'Ma," tugon ko naman na mas nagpakunot ng noo niya.

"Pero 'nak--"

"Sige anak." My father cut her off. "Tutal gabi na rin naman, magpahinga ka na. At s'ya nga pala, ang mga kapatid mo at ang kapatid ni Raven, wala kasamang matanda ang mga batang iyon d'on. Kaya d'on na lang muna kayo matulog. Dito na lang muna kami ng mama mo para may kasama si Raven at may mga aasikasuhin muna kami." Ginawaran niya ako ng isang halik sa noo. "Mag-iingat ka."

The Mysterious Book Of Alia Madriana | COMPLETEDWhere stories live. Discover now