Kabanata 15: TWO OF THREE-D

240 19 4
                                    

LUMIPAS ang ilang minuto, nang masiguro naming wala na ang mga sumusunod sa amin ay muli kaming nakahinga ng maluwag.

"We have to get off to the road." Binuksan ni Nessine ang pinto ng van. "I'll drive."

Kailra sighed as she nodded. Wala namang nagbalak tumanggi rito dahil sa aming lahat ay si Nessine lang ang nakakaalam ng lugar na pupuntahan namin.

Imbis na lumabas si Kailra pintuan, malapit sa driver's seat, mas pinili na lang niyang dito mismo sa loob dumaan. Nilakdangan niya ang upuan at hinayaang maupo ang kaniyang katawan kasabay nang pagbagsak niya.

Para kaming mga sardinas dito dahil nagsisiksikan kami sa unahan. Kung pwede lang bumaliktad itong van dahil hindi balance ang sakay, nagawa na niya.

Sa huli ay bumalik kami sa dati naming kinauupuan maliban sa 'kin. Since I was in front few hours ago, I chose to sit beside Andrew.

I leaned back to my sit and sighed with relief as I felt my comfort. Biglang lumabas lahat ng kinikimkim kong pagod matapos ang nangyaring 'yon. I looked at Andrew and same as him, mukhang pagod ang loko. Nakasandal ang ulo niya sa bintana habang nakapikit ang mata.

Naging tahimik ang buong byahe. Hindi lang ako at maging sila ay halatang napagod. It was our first fight together.

Everything was unexpected. Pagkalabas pa lang namin ay 'agad na kaming sinalubong na daluhong. Agad kaming napasabak at aaminin ko, medyo natuwa ako dahil nagamit namin ang aming natutunan. Our training wasn't wasted.

"Mukha kang tangang masaya."

I heard a voice from behind. I didn't notice that I was smiling. Alam ko kung kanino 'yon pero hinayaan ko na lang siya at hindi pinansin. Palihim na lamang akong ngumiti.

The nightfall greeted us again. Kasabay nang pagdilim ng paligid at siya ring pagliwanag ng city lights. Naninibago ako sa mga nakikita ko dahil nasanay akong mga puno at malawak na dagat ang palaging hagip ng aking mga mata.

My mood suddenly changed into gloomy. It's kinda weird having this kind of feeling. Our speed was constant but as for me, my world seemed to spin as low as turtle out of the water.

Pinagmasdan ko na lamang ang mga dinadaanan habang ang iba ay nanatiling nakapikit, mukhang nagpapahinga. Nagmamasid din ako sa paligid para matingnan kung may mga sumusunod ba sa 'min. Gladly, wala naman akong nakitang kakaiba.

"Malapit na ba tayo?" tanong ko kay Nessine na ngayon ay nagmamaneho.

Maluwag ang trapiko ngayon, siguro dahil ibang daan ang dinadaanan namin. Wala kami sa sentro kaya iilan lang ang sasakyan na aming nakakasalamuha.

"We're here." She stopped the car. Napatingin naman ako sa pinagtigilan namin.

We're in front of a two story building. It's looked like an apartment. Hindi ito kalakihan. Sa kaliwa nito ay may malaking gusali pero sa mga katabi pa nitong building sa kanan ay kakaunti lamang ang nilaki ng mga 'to kumpara sa pinagtigilan namin. Magkakahanay na apartment na may iilang store na makikita. Mayroon lang maliit na pagitan sa kanang bahagi na mukhang pinaglalagyan ng basura dahil mga basurahan dito na kulay green.

Nagising na rin ang iba. They stretched their body as they yawned in unison.

"I want to sleep na," pimupungay ang matang saad ni Kailra.

Muling pinaandar ni Nessine ang sasakyan. Niliko niya ito sa gilid kung sa'n malawak ang space at tanging mga basurahan lang ang nag-o-occupy ng lugar. She parked the car and off the engine.

"It's already seven o'clock."

Tiningnan niya ang kaniyang relo habang kami ay nag-aayos ng aming mga bitbit na gamit. Wala naman kaming gaanong dala kaya hindi na kami mahihirapang maglipat at magbitbit ng mga ito.

The Mysterious Book Of Alia Madriana | COMPLETEDWhere stories live. Discover now